Elmo nilantad na rin ang bagong GF
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - March 26, 2020 - 12:00am

Although low key lamang ang relasyon nina Janella Salvador at ang Fil-British singer-actor na si Markus Paterson, noong isang taon pa nababalita ang relasyon ng dalawa. May mga pagkakataon pa ngang nili-link sa isa’t isa sina Janella at Joshua Garcia na nakatrabaho ng singer-actress sa nagtapos na primetime TV series na The Killer Bride.

Nito namang March 24 ay nag-share sa kanyang Instagram account ang singer-actor na si Elmo Magalona ng pictures nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na nagngangalang Ry na kanyang binati sa kanilang 1st anniversary bilang magkasintahan.  All this time ay tahimik lamang si Elmo pagdating sa kanyang lovelife at hindi ito malalaman ng netizens kung hindi siya nag-post sa kanyang IG account.

Si Janella ang huling naging kasintahan ni Elmo na nauwi sa hiwalayan nung 2018. 

Boyet nakauwi na!

Nakauwi na ng bahay ang drama king actor na si Christopher de leon last Tuesday (March 24) evening matapos itong ma-confine sa pagamutan sa loob ng walong araw dahil sa pagiging positibo sa Covid-19 test. 

Pero patuloy itong naka-home quarantine kasama ang misis nitong si Sandy Andolong, ang kanilang bunsong anak na si Mica at mga kasambahay.

Nagpapasalamat si Sandy sa lahat ng nagpaabot ng concern at nagdasal sa agarang paggaling ni Boyet (Christopher)

Anak nina Chynna at Kean, kumakanta na

Three years old pa lamang ang panganay na anak ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza pero ngayon pa lamang ay nagma-manifest na sa bata ang talent niya sa pagkanta na obviously ay minana niya sa kanyang celebrity parents na parehong singers.

Dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon, nasa bahay lamang ang halos lahat ng mga mamamayan maliban lamang sa mga mga taong nasa frontline kaya hindi naiiba rito ang mag-asawang Kean at Chynna kasama ang dalawa nilang anak na sina Stellar (3) at Salem (7 months old).

Since wala pang isang taon ang kanilang bunso, ang panganay nilang si Stellar ang nakakapag-interact sa kanilang mag-asawa.  Minsan ay nagulat si Kean nang sabihan niya ang kanyang panganay na gusto umano niyang mag-record ng kanta na kanya namang pinagbigyan dahil isa ito sa maraming `Firsts’ ni Stellar.  Kinanta ni Stellar ang hit song ni Ava Max na “Torn”. 

ELMO MAGALONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with