^

Pang Movies

Kapatid ni Julia inasar ang bashers na nagbawal sa kanyang sumali sa away ng magaganda

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kapatid ni Julia inasar ang bashers na nagbawal sa kanyang sumali sa away ng magaganda
Dani Barretto

Matapos kuyugin ng bashers dahil sa umano’y pagsali sa away ng magaganda – Bea Alonzo and Julia Barretto - bumuwelta ang kapatid ni Julia na si Dani Barretto sa kanyang IG post kahapon.

Pero pang-asar lang. “Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka. Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka.
“Oh gulat kayo memorize ko na kayo noh? HAHAHA 
Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha.
You do note meeeeee,” post niya kahapon.

Sinubukan kasing ipagtanggol ni Dani ang kapatid pero binuweltahan nga siyang wala naman siyang karapatang sumali bilang wala siyang ganda.

Maalala na may insinuation si Dani na naunang nag-cheat si Joshua Garcia sa girlfriend na si Julia bago sumabog ang kuwento kina Julia at Gerald. “Oh let me correct myself. Nakarinig ba kayo ng paninira sa kapatid ko the first time he cheated on her too? Oh hindi mo alam yun noh? Marami kasi kayong hindi alam. Kaya manahimik na lang kayo,” naunang tweet ng kapatid ni Julia na kasalukuyang buntis sa panganay na anak sa asawang si Xavi Panlilio.

Anyway, parang pahupa na nga ang kontrobersiya sa tatlong Kapamilya stars.

Pero ang winner, base sa mga nagsusulputang opinion, Team Bea.

Or baka rin naman binusalan na sila para matapos na ang kinasasangkutan nilang ‘love triangle’ na naalala ng isang friend namin na parang Janice, Gabby and Sharon.

Julie Anne nag-bikini sa kasagsagan ng Bagyong Hanna

Hala kahit bagyung-bagyo kahapon at kanselado ang mga eskuwela, hindi ininda ni Julie Anne San Jose ang lamig ng paligid.

Nag-post talaga siya na naka-two piece bikini habang nasa pool. Unless late post ‘yun ha.

Pero bongga na ang katawan ni Julie Anne na baka sa pagpapa-sexy finally nga ay mag-boom na ang career niya.

Kasi parang Lovi Poe na ang kurba niya.

Ang dami tuloy napa-react sa nasabing photo niya.

vuukle comment

DANI BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with