^

Pang Movies

Pagharap ng aktor sa mga magulang ng GF na aktres, walang ebidensiya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Seryosohan na palang talaga ang relasyon ng da-lawang sikat na personalities dahil ang tsika, pumunta na sa bahay ng aktres ang aktor at humarap sa magulang at sa members ng immediate family ng aktres. Ginawa ‘yun ng aktor para siguro ipaalam sa magulang ng aktres na seryoso at malinis ang intensyon niya sa kanilang anak.

Biglaan yata ang punta ng aktor sa bahay ng aktres to meet her parents dahil wala pang nag-leak na balita at walang pictures. Kung may kodakan mang nangyari sa pagbisita ng aktor, pang pribado lang at hindi for public consumption.

Ang kuwento pa, hinanap ng mga kasama niya sa bahay ang aktor, hindi siya nahagilap at nang makabalik na lang sa bahay saka nalaman kung saan siya nagpunta.

Curious lang kami kung aaminin ng aktor na bumisita siya sa bahay ng aktres ‘pag tinanong ng mga reporter. Ganu’n din ang aktres, aaminin kaya nito o magkukwento na may pagbisitang naganap sa mga magulang niya ng aktor?

Bong babawi sa Valentine

Malapit na ang Valentine’s Day at sa thanksgiving lunch ni Bong Revilla Jr. sa entertainment press, natanong si Bong kung sino ang makaka-date niya sa February 14?

“Of course with my wife! My one and only wife. Meron kaming date at manonood kami ng concert. Hindi pa lang namin alam kung anong concert ang panonoorin namin,”

Nabanggit ni Bong na ang 2018 Christmas at New Year ang pinakamasayang Pasko at Bagong Taon niya sa loob ng apat na taon. Nakalabas na kasi siya sa kulungan , kaya nakasama niya ang kanyang pamilya.

Gabby gustong magpaka-singer!

Ang wish ni Gabby Eigenmann, sana ay mabigyan siya ng chance ng production team at ni director Mark Reyes na kumanta sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw Na Bituin. Nasa story naman daw kung kakanta siya dahil ang role niyang si George del Mundo ay isang music/concert/film/ producer.

Kumakanta rin si Gabby and in fact, nag-release siya ng album produced ni Regine Velasquez.

Bed scene nina Xian at Louise hindi inisyuhan ng mga karelasyon

Showing sa 147 cinemas ang Viva Films movie na Hanggang Kailan nina Xian Lim at Louise delos Reyes. Sa feedback ng mga nakapanood na ng pelikula, nagustuhan nila ang break up movie sa direction ni Bona Fajardo dahil naka-relate sila. Hindi man sa kanila nangyari, sa kaibigan nila nangyari.

Kahit may passionate bed scene sina Xian at Louise, hindi nagka-isyu, walang tsismis dahil si-guro parehong taken na ang dalawa. Going strong ang relasyon nina Xian at Kim Chiu at ganu’n din ang relasyon ni Louise sa businessman/DJ boyfriend.

vuukle comment

GABBY EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with