^

Pang Movies

Vice ‘di raw loyal kay Karylle, todo puri agad kay Marian

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vice �di raw loyal kay Karylle, todo puri agad kay Marian
Vice Ganda

So what kung na-starstruck si Vice Ganda nang dumalaw si Marian Rivera sa last shooting day ng Fantastica?

So what uli kung gandang-ganda si Vice Ganda sa misis ni Dingdong Dantes na isa sa leading men niya sa pelikula na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival?

OA kasi ang reaksyon ng fans sa mga papuri ni Vice kay Marian. Binabatikos nila si Vice dahil hindi raw ito loyal friend kay Karylle na ex ni Dingdong.

Utang na loob, mag-move on na ang fans na pinaiiral ang kaki­tiran ng isip. Happily-married na si Karylle kay Yael Yuzon at ganoon din si Dingdong kay Marian. Magdadalawa na nga ang anak nila ‘no!

Sure ako na hindi mamasamain ni Karylle ang good words ni Vice Ganda kay Marian. So very yesterday ang isyu tungkol sa love triangle nila nina Marian at Dingdong na pinaglumaan na ng panahon.

May fans talaga na happiness na ang mambuwisit ng kapwa at si Vice ang binibiktima nila ngayon. As if naman, maaapektuhan si Vice na walang kasalanan kundi ang humanga sa beauty ni Marian.

Tapos na ang shooting ng Fantastica na official entry ng Viva Films at Star Cinema sa film festival sa December.

Si Vice ang lead star ng pelikula at leading men niya sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na nagsama sa isang movie project for the first time.

Nakakaaliw isipin na isang ex-Kapuso actor at Kapuso actor ang pinili ni Vice na makasama sa Fantastica at pantapat niya kay Vic Sotto, ang another Kapuso star na co-star naman ni Coco Martin sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Ngayon pa lang, alam na natin kung alin sa walong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018 ang pinakamaingay at pagsasabungin ng mga intrigera at tsismosa.

Sen. Cynthia at Sen. Grace parehong number one sa surveys?!

Confusing ang resulta ng mga survey sa senatorial elections dahil may mga nagsasabi na number one si Senator Cynthia Villar pero may mga kumokontra dahil si Senator Grace Poe umano ang nangunguna.

Parehong malapit sa puso ko sina Senator Cynthia at Senator Grace kaya hindi importante sa akin kung sino sa kanila ang number one sa senatorial survey.

Mas mahalaga sa akin na leading candidates ang dalawa sa mga favorite senator ko. Para parehong manguna sila sa survey, isa lang ang ibig sabihin nito, buong-buo ang tiwala sa kanila ng Sambayanang Pilipino dahil sa performance na ipinamalas nila sa Senado sa mga nakaraang panahon.

VM Joy nangunguna rin!

Walang ipinagkaiba sina Senators Cynthia Villar at Grace Poe kay incumbent Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Number one si Mama Joy sa survey sa mayoral race sa Quezon City na hindi surprising dahil sa taos-puso na paglilingkod niya.

Mismong si Alfred Vargas ang nagsabi sa akin na very strong candidate si Mama Joy dahil sa performance na ipinakita nito bilang bise-alkalde ng Quezon City.

Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Alfred na “performance is still the best campaign” dahil  mahirap at hindi na puwedeng lokohin ang mga tao na mulat na mulat ang mga mata at alam kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ang may genuine love, concern at care sa constituents nila.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with