^

Pang Movies

Gabbi napipisil ni Gloria na gumanap sa Pinakamagandang Hayop...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gabbi napipisil ni Gloria na gumanap sa Pinakamagandang Hayop...
Gabbi at Gloria

Nagkasunud-sunod ang mga presscons na pinupuntahan ni Gabbi Garcia, magkasunod kasi ang presscon ng bago niyang musical show na Studio 7 at last Wednesday evening naman, ang Pamilya Roces. Biro nga niya, wala na raw sigurong maitatanong sa kanya.

Pero isang tanong na matagal nang gustong itanong sa kanya ay ang sinasabing pag-alis niya sa Sunday PinaSaya. Sabi kasi ng show, magpapahinga lamang siya, pero babalik din. Matagal na siyang wala, almost a year na pero hindi na siya bumalik. Naiwan niya ang ka-love team na si Ruru Madrid, matapos ding mamatay na ang character niya sa Sherlock Jr. na pinagtambalan nila.

“Ang totoo po, ang reason ko talaga ng pag-alis, dahil may classes ako ng Saturdays, hindi po ako pwedeng mag-absent,” sagot ni Gabbi. “Every Saturday po naman ang rehearsal namin sa SPS , at nahihiya naman akong lagi ring mag-absent at nakakahiyang basta ako darating ng Sunday to perform na walang rehearsal. Naintindihan naman ako ni Ateng (Rams David, Supervising Producer ng SPS) at okey po naman kami. At nagkasunud-sunod na rin po ang mga out of the country kong shoot para sa mga commercial ads ko, kaya nag-decide na rin akong huwag nang bumalik sa show.”

At ngayon nga, may dalawa siyang bagong shows. Mondays to Fridays ang bago nilang dramedy series na Pamilya Roces at every Sunday naman, ang Studio 7 musical-variety show.

Sa teleserye, gaganap na mag-ina sina Gabbi at ang first Filipina Miss Universe na si Ms. Gloria Diaz noong 1969. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Gabbi kapag nalaman niya ang sinabi ni Gloria sa interview sa kanya after the presscon, na kung may magri-remake daw ng first movie niya in 1974 na Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, ang gusto raw niyang gumanap dito ay si Gabbi dahil bagay daw sa young actress ang role na ginampanan niya, si Isabel.

Si Joel Lamangan ang director ng Pamilya Roces at mapapanood na ito simula sa Monday, October 8, after ng Onanay sa GMA 7.

Barbie magpapahinga muna

Lubos ang pasasalamat ni Barbie Forteza sa lahat ng mga televiewers na sumusubaybay sa romantic-comedy-family drama nila na Inday Will Always Love You (IWALY), dahil nagustuhan nila ang story ng Fuentes family nina Ricky Davao, Manilyn Reynes at Barbie ay umabot na sila sa book two. Nagsimula sila last May at ngayon lamang October matatapos.

Produced by GMA Public Affairs, nai-feature nila ang kagandahan ng Cebu.

“Thank you so much for watching IWALY since day one until the end. I will forever be grateful for your support,” pasasalamat ni Barbie.

Balak daw ni Barbie na magbakasyon muna dahil hindi biro ang hirap na pinagdaanan niya sa mga eksenang pinahihirapan siya ni Amanda (Gladys Reyes) na hanggang sa pagwawakas mamayang gabi ay hindi alam kung magtatagumpay pa ito sa balak niyang pagpatay kay Inday Happylou. O may happy ending ba sina Inday at ang kanyang si Patrick (Derrick Monasterio)?

Mapapanood ang Inday Will Always Love You after ng Onanay.

vuukle comment

GABBI GARCIA

GLORIA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with