^

Pang Movies

‘Pagpatay’ kay Jolo matagal pinagluksa

Vir Gonzales - Pang-masa
�Pagpatay� kay Jolo matagal pinagluksa
Jolo

MANILA, Philippines – Maganda ang naging exposure ni Jolo Revilla sa ibinigay na break sa kanya ni Coco Martin. Ito ang nagsilbing comeback ni Jolo sa telebisyon mula nang maging busy siya sa pagiging Vice Governor ng Bacoor, Cavite.

Kamakailan lang ay napatay na rin ang kanyang karakter sa nasabing palabas, sinalo kasi niya ang tama ng bala na dapat sana ay sa Presidente na ginagampanan ni Rowell Santiago.

Sayang, akala pa naman ng lahat ay magkakaroon sila ng loveteam ni Ryza Cenon na gumaganap naman bilang anak ng Presidente.

Marahil ay naghahanda na si Jolo sa pelikula nila ng kanyang mga kapatid kaya kinailangan niya nang mawala.

Ang pelikulang Tres ay isang action trilogy na ginawa niya kasama sina Bryan at Luigi Revilla, hiling daw kasi ng kanilang ama na sana ay maibalik nila ang mga action film kung kaya’t binuhay nila ulit ang Imus Productions na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Monsour susubukan kung may babalikan pa

Ipapalabas na sa September 26 ang Trigonal na pelikula ni Monsour del Rosario. Ito ang magsisilbi niyang comeback film bilang isang action star. Naging abala kasi ito nang maging congressman ng Makati.

Dating taekwondo gold medalist si Monsour at laman ng Olympic Games noong araw.

Tulad ng mga Revilla, layunin din ni Monsour na muling buhayin ang action films sa bansa. Gusto rin niyang matulungan ang mga dating kaibigang action star.

Good luck Monsour sa pagbabalik.

Rosemarie de Vera nagbalik-‘Pinas para sa Mutya Ng Pilipinas.

Sa September 16, nakatakdang magbalik-Pilipinas ang dating beauty queen-turned actress na si Rosemarie de Vera para dumalo sa 50th anniversary ng Mutya Ng Pilipinas.

Sa Amerika na nakatira si Rosemarie kasama ang kanyang pamilya. Nagkita-kita nga sila doon ng ilang mga kaibigan niyang ex beauty queen din katulad nina Azenith Briones, Jennifer Cortez, Isabel Rivas at Djohanna Garcia.

Bukod sa pagiging beauty queen, dati ring paboritong leading lady si Rosemarie ng ilang mga action star.

Personal…

Bethlehem House of Bread ang bahay ampunan na tumutulong sa mga batang naulila sa Baliwag, Bu­lacan. Isa itong proyekto ni Father Boyet Concepcion kung saan marami na rin siyang batang natulungan.

Katuwang ni Father sina Jorge Allan Tengco, Mrs. Beth Valenzuela at Mrs. Eddy Salvador dela Merced.

Sana po ay mabigyan pa ng maraming tulong ang mga batang ulila lalo na ngayong darating na Kapaskuhan.                        

vuukle comment

JOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with