^

Pang Movies

Bimby obsessed kay Julia, nangakong bibigyan ng Gucci every month

Nitz Mirallez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binuking na naman ni Kris Aquino ang anak na si Bimby, hindi na lang daw ito in-love kay Julia Barretto, obsessed daw ang anak sa co-star niya sa I Love You, Hater. 

Kwento ni Kris, sabi ni Bimby sa kanya, ‘pag 21 years old na siya, bibilhan niya ng Gucci si Julia every month.

Halimbawang ikasal sila ni Julia, hindi papayag si Bimby ng pre-nup, nag-comment tuloy si Kris ng “patay tayo dyan.” Naalala tiyak nito ang nangyari sa kanila ni James Yap na dahil wala silang pre-nup nang ikasal, nang ma-annull ang kasal, nabigyan si James ng P40M.

“Gandang-ganda siya kay Julia. ‘Yun ang mga type niya, maputi, maganda at Inglesera. Malinaw kay Bimby na sina Erich (Gonzales) at Kim (Chiu) ay ate niya, pero si Julia, obsessed na siya,” sabi ni Kris.

Samantala, special mention ni Kris si Bea Binene sa mga celebrity na nagpahatid ng suporta sa laban niya kay Mocha. Sa isang video post, kasama ang ipinadalang flowers ni Bea sa ipinakita ni Kris at sabi nito, sobra siyang na-touch dahil hindi naman sila close.

Minsan pa lang na-meet ni Kris si Bea at nakilala niya to dahil sa Xian Lim issue at Kapuso pa, and yet, nagpahatid ng suporta.

“Inuunahan ko na kayo, walang mapapala si Bea sa akin dahil na-cast na ang makakasama ko sa iflix movie. Kaya na-appreciate ko siya at na-touch ako. Thank you talaga,” banggit ni Kris.

Nabasa namin ang post ni Bea na, “No need to say thank you, Ms. Kris! Thank you also po! And the message on the card? I mean it:) God bless you po!!! Hugs  and kisses”

Tom aligaga sa pag-papari

Tuluy-tuloy ang taping ni Tom Rodriguez ng The Cure tuwing MWF at tuwing

TTHS naman ang shooting niya ng horror movie na Maledicto kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Inah de Belen. Co-produced ng Unitel at Fox Philippines ang movie sa direction ni Mark Meily.

Sa napanood naming video, pari ang role ni Tom at madre naman si Jasmine, curious ako kung ano ang role ni Inah.

Mga bida ng Thai teleserye sa GMA 7, mga sikat

Hinanap namin sa Google ang Thai actors na sina Wisetkaew Sukrit gumaganap na Paolo at si Esther Supreeleela, guma­ganap na Martina sa Thai Lakorn na You’re My Destiny. Sikat pala talaga ang dalawa sa Thailand, kaya sila ang napili na magbida sa Thai adaptation ng Taiwanese drama na may Korean adaptation din.

Si Wisetkaew ay sikat na Thai singer/actor/stage actor and he was in the cast of Broadway musical Waterfall. Graduate rin ito ng Mechatronics Engineering.

Si Esther ay Thai-Malaysian actress at favorite na cover girl ng Thai magazines. Hindi pa namin nagu-google ang second lead na sina Wecks Lanlalin (as Cathy) at Tre Porapat Srikajorn (as Rafa), tiyak, sikat din ang dalawa.

Ang sabi ni GMA First VP for Program Management, 16 weeks tatakbo ang You’re My Destiny at masaya siya at ang network dahil successful sa ra­ting ang in-introduced nilang first Lakorn on Philippine TV, kaya may mga susunod pa, bago ang Turkish drama na ipapakilala niya sa Kapuso viewers.  

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with