Sharon Cuneta
Sharon hindi binili ang kundisyon ni Gabby kaya naudlot ang pelikula!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

Tiyak na matutuwa ang fans ng loveteam nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa naitsika ng isang source namin.

Malaki na raw ang posibilidad na matuloy ang reunion movie ng ex-couple.

Ang tsika, ang Star Cinema na talaga ang magpo-produce no’n at out na ang idea na ipa-produce ‘yon kay Representative Albee Benitez.

Ang tsika pa, payag na raw si Sharon na mauna sa billing si Gabby.

Ang condition na nga lang daw ng Megastar ay ang magkaroon sila ng one-on-one meeting ng ex-husband para mapag-usapan na nila ang lahat-lahat tungkol sa pelikulang muling pagtatambalan.

Hindi nga lang daw makapag-commit pa si Gabby tungkol sa meeting na ‘yon dahil aalis siya on Thursday pa-San Diego, California kung saan ay may show siya. A-attend din daw ang aktor sa opening ng skin care clinic ng Hollywood beauty doctor na si Dr. Tess Mauricio.

Ang balik daw ni Gabby ng bansa ay sa April 27 at pupunta rin kaagad sa Davao City ang aktor.

“May wedding kasi sa Davao City si Gabby, siguro after no’n, baka puwede na silang magkita ni Sharon para mapag-usapan ‘yung movie nila. Ang maganda nga, may nagsabi kay Gabby na payag na si Sharon at pati sa billing, okey lang daw na mauna na si Gabby,” kuwento ng source namin.

Kung matatandaan, may lumabas pa noon na may suggestion na bukod sa kanilang talent fees ay magkaroon ng share sa profit ng pelikula sina Gabby at Sharon na siyang mae-enjoy naman ng anak nilang si KC Concepcion.

Well, sana nga ay maging maayos na ang lahat. Nito lamang kasi ay lumabas din ang balitang hindi raw binibili ni Sharon ang kundisyon naman ni Gabby.

Ruffa parang si Annabelle na!

Very proud si Ruffa Gutierrez sa first dramatic lead role ng panganay na anak si Lorin Gutierrez (‘yan ang kanyang screen name) sa school play nila, ang Brief Encounter, kung saan ang role nito ay bilang si Laura.

Dedma nga si Ruffa na naka-gym outfit pa siya nang magpunta sa school ni Lorin para panoorin ang anak. Yes, kapag nagpo-post si Ruffa tungkol sa mga anak, obvious na may pagka-SM as in stage mother siya, huh!

Kahit noon namang mag-pictorial si Lorin para sa endorsement ng make-up brand para sa mga teenager, very SM din ang dating ni Ruffa dahil sumisingit-singit din siya sa pagsagot kapag may mga tinatanong kay Lorin lalo na tungkol sa boys, ‘noh?!

Anyway, maraming mga nagsasabi na siguradong magmamana si Lorin kay Ruffa bilang beauty queen. Sa tingin din namin, parang type naman ni Ruffa na katulad niya ay pasukin din ni Lorin ang mundo ng beauty pageants!

Alex gusto na ring magpatali sa mayamang dyowa

Ang ate pa rin niya na si Toni Gonzaga-Soriano ang itinuturing ni Alex Gonzaga na best friend niya sa showbiz. Anything daw, nagagawa ni Alex kapag kaharap si Toni.

Kahit nga raw maligo, okey lang daw na nandoroon ang kanyang ate.

Saka kahit married na si Toni, basta walang ginagawa, palaging binibisita ni Alex si Toni dahil nami-miss niya ito, pati na rin ang nephew niyang si Sev, at bayaw na si Paul Soriano dahil malapit din dito si Alex!

Marami nga pala ang humuhulang malapit na ring magpakasal si Alex sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with