^

Pang Movies

Dating Kokak at Bora Fire Queen nakikipagsabayan sa pagpapakita ng boobs!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dating Kokak at Bora Fire Queen nakikipagsabayan sa pagpapakita ng boobs!

Rachel

Ayaw pakabog ng ‘80s sex siren na si Rachel Lobangco sa mga nagseseksihan na mga batang aktres ngayon.

Dahil uso ang mag-post ng mga sexy pics sa social media, naki-join na rin si Rachel na nakilala noong ‘80s bilang si “Sh-Boom” sa pagpapalantad ng alindog at kitang-kita sa mga post niya, palaban pa rin si Kokak!

Kokak ang launching film ni Rachel sa ilalim ng Seiko Films noong 1989.

Kilala na ngayon si Rachel bilang Boracay Fire Queen dahil sa husay niyang sumayaw na may iniikot na apoy sa magkabilang kamay niya.

Sexy at kaakit-akit sa maraming kalalakihan kahit na nasa kanyang 50’s na si Rachel.

Kabilang sa nagulat at humanga sa kaseksihan ni Kokak ay ang pamangkin nito na si Bruno Gabriel. Anak si Bruno ng kapatid ni Rachel na si Lani Lobangco.

Tattoo ni Dennis, peke!

Natawa na lang si Dennis Trillo sa naging reactions ng netizens sa pinost sa Instagram na tattoo sa kanyang kanang braso na may caption na: “Dreams do come true  #roman #otj2”

Inakala ng marami na mukha ni Jennylyn Mercado iyon at maraming hindi nagkagusto sa pagkaka-tattoo sa braso niya.

Pero bago pa magwala ang ibang netizens, sinabi ni Dennis na fake `yung naturang tattoo at nilagay lang iyon para sa isang role na ginagampanan niya sa pelikula.

Pinapa-chill ni Dennis ang mga masyadong mareaksyon na netizens. Maingat naman daw ang aktor sa kung saan ilalagay at ano ang ilalagay na tattoo niya sa katawan.

Kaya huwag daw mag-alala dahil fake lang iyong malaking tattoo na pinost niya.

Celine Dion may problema sa pandinig, ilang concert kanselado

Cancelled ang mga concert dates sa Las Vegas ni Celine Dion for March and April dahil kailangan niyang dumaan sa isang operasyon.

Uunahin daw muna ni Celine ang kanyang kalusugan para mas makapag-perform siya ng maayos kapag naka-recover na siya.

Ayon sa post ni Celine sa social media, may condition siya sa kanyang middle ear na kung tawagin ay Patulous Eustachian tube.

Sa naging diagnosis nito, it causes hearing irregularities and makes it extremely difficult to sing.

Nararanasan daw ni Celine ang kondisyon na ito for 12 to 18 months na at tini-treat daw niya ito with an ear drop medication.

Pero mukhang hindi na raw tumatalab ang medication at kailangan na raw niyang dumaan sa isang “minimally invasive surgical procedure” para maayos ang problema sa tenga niya.

“My luck hasn’t been very good lately... I’ve been so looking forward to doing my shows again and this happens…. I just can’t believe it!

“I apologize to everyone who planned to travel to Las Vegas to see my show. I know how disappointing this is, and I’m so sorry,” caption pa ni Celine.

Magre-resume daw ng kanyang shows si Celine sa May 22, 2018 sa The Colosseum at Caesars Palace.

Sa mga nakabili na raw ng tickets sa cancelled shows niya ay mare-refund ito.

Earlier this year, napilitan si Celine na mag-cancel ng seven shows after suffering from congestion and irritation of the vocal chords due to a lingering cold.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with