^

Pang Movies

Pasaway na male celeb, napilitang magpa-botox

SO... CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Takot mawalan ng kita

Wala nga raw magawa ang pasaway na male celebrity na ito kung hindi ang sumunod lamang sa kanyang manager. Kung hindi raw kasi siya susunod dito, walang ibibigay na trabaho sa kanya.

Importante sa male celebrity ang magkaroon ng sunud-sunod na trabaho dahil may anak ito na nag-aaral sa mamahaling exclusive school at marami itong pangangailangan.

Kung tatanggi nga raw siya sa gusto ng kanyang manager, mag-aaway lang daw sila at siya ang talo. Hindi siya bibigyan ng trabaho at mamumrublema siya sa gastusin ng kanyang pamilya araw-araw.

Kaya nga natuto na siyang huwag tanggihan ang mga gusto ng manager niya. Sinubukan na niyang maging pasaway noon sa kanyang manager. Ang ending, tatlong buwan siyang walang trabaho.

Kaya no choice si male celebrity kung hindi ang umoo lang sa mga gusto ng kanyang manager. Heto na nga at wala na siyang magawa dahil gusto ng kanyang manager ay ipa-botox ang mukha niya. Hangad lang naman ng manager ay ang magmukha itong bata ulit.

Wala pa raw kasi itong trenta anyos ay marami nang linya sa mukha. Palibhasa ay maagang naging ama kaya maagang tumanda ang hitsura.

Kung gusto raw nitong magmukha ng edad niya, kailangan niyang magpa-botox. Pinagtalunan nga nila ito dati pero no choice si male celebrity.

No botox, no work ang policy ng kanyang manager. Kaya labag sa kalooban niya ay nagpa-botox si male starlet.

In all fairness, nagmukha naman siyang bata ulit, kaso hirap na hirap naman si male celebrity na magpakita ng emosyon siya.

Kung nagagalit daw siya, kailangang sabihin niyang galit siya dahil hindi nga niya makunot ang noo niya. Kung nalulungkot siya, kailangang sabihin niya ay malungkot siya dahil kahit kilay niya ay hindi niya maigalaw.

Susunod ngang makeover ng manager ni male starlet ay ang ipa-lipo ito. Lumaki kasi ang tiyan ni male starlet dahil malakas ito kumain at mahilig makipag-inuman. Pinatigil na nga siya ng kanyang manager sa bisyo niyang pag-inom at binigyan siya ng diet para pumayat siya. Kung hindi madaan sa diet, puwede naman via liposuction surgery.

Kaya nagtitiis na lang si male celebrity sa diet plan na bigay ng kanyang manager dahil ayaw niyang magpa-lipo. Nag-enroll pa sa isang mamahaling gym si male celebrity para pumayat at gumanda ulit ang katawan.

Tama na raw na ang mukha niya ang tinurukan ng injection, huwag lang daw ang tiyan niya.

Cristina natutong buklatin ang Bibliya kay Venus

Inamin ng host ng GMA News TV travel and business show na Business Flight na si Cristina Decena na na­ging magandang impluwensya sa kanya ang kanyang co-host na si Venus Raj.

Noon daw ay hindi inakala ni Cristina na magiging close sila ni Venus dahil magkalayo ang kanilang edad sa isa’t isa. Pero dahil nasa ika-3rd season na sila ng show, mas naging close sila at parang isa na si Venus sa mga anak niya.

“Isa sa natutunan ko from Venus ay ang magpatawad.

“Naging open na kasi ako sa kanya noong mag-cruise kami para sa isang episode ng Business Flight. Doon na ako naglabas ng mga saloobin ko sa maraming bagay.

“Akala ko at first, hindi niya ako maiintindihan kasi bata pa siya. Pero nakakagulat kasi siya pa ang parang nag-lecture sa akin about forgiveness.

“Naisip ko rin na tama siya. Kailangan alisin ko na ang mga burden na ‘yan na pabigat lang sa buhay natin. Ngayon mas magaan at mas masaya ang buhay ko dahil natuto na akong magpatawad.

“Isa pang natutunan ko from Venus ay ‘yung magbasa ako ng Bibliya.

“Everyday kasi nakikita ko siya na nagbabasa ng Bible. Ako, may Bible nga ako sa house pero bihira kong buksan ito.

“Ngayon natuto na rin ako dahil kay Venus. Mas naging maganda na ang tingin ko sa buhay ngayon.

“Kaya mahal na mahal ko ang batang ‘yan. Considered ko na siya na isa sa mga anak ko dahil naging maganda ang samahan namin at napakabait na tao,” pagtapos pa nu Cristina Decena.

Hollywood actor na si Chuck Noris inireklamo ang MRI scans na lumason umano sa misis

Nagsampa ng demanda ang Hollywood actor at martial arts expert na si Chuck Norris sa ilang health care companies dahil sa pagkalason ng kanyang asawa habang dumadaan ito sa magnetic resonance imaging scan.

Ang chemical daw ng naturang procedure ang siyang naging dahilan kung bakit nalason ang misis niyang si Gena Norris.

Ayon sa lawsuit, ang ginamit na gadolinium sa MRI scans ang siyang nagbigay ng “multiple, debilitating bouts of pain and burning throughout her body” and suffering long-term damage.

Higit na $10 million in damages ang hinihinging danyos ng mag-asawang Norris dahil wala raw nagsabi sa kanila tungkol sa risk ng chemicals sa MRI scans.

Ayon pa sa lawsuit, nagpa-test lang daw si Gena Norris for rheumatoid arthritis. Pero pagkatapos ng scans ay nagkaroon ng burning pains sa buong katawan si Gena. Kasama rin dito ang pagkakaroon niya ng violent shaking, numbness and tingling, at weakness.

Umabot na raw ang lahat sa pagkakaroon ni Gena ng cognitive deficits and kidney damage at hirap sa paghinga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with