^

Pang Movies

Gwapong aktor nabuko sa selfie ang pagiging dugyot at balahura

SO... CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang inokray ng netizens ang isang selfie ng isang model-turned-actor na nag-post sa Instagram kamakailan.

Hindi naman ang model mismo ang inokray at binash ng netizens, kundi ang kanyang marumi at magulong kuwarto na kitang-kita sa kanyang selfie shot.

Napansin ng mga nakakita sa selfie shot ni model na nakakalat ang mga sapatos nito sa sahig at wala man lang daw shoe rack para organized ang mga ito.

Napansin din ang kama niya na walang bedsheet.

Nakita rin ang mga nakasabit na tuwalya, t-shirt, shorts, boxer shorts at pantalon sa kung saan-saan.

Para raw napakasalaula ng model na ito, eh ang guwapo-guwapo pa naman daw.

May nag-comment na may time siyang mag-selfie, pero wala itong time na ayusin muna ang kuwarto niya para mukha naman daw malinis ang background nito.

May isang nag-comment naman na obvious na lalake ang naturang model dahil wala itong pakialam kung magulo ang kanyang kuwarto. Typical daw ito na lalake na masipag pumorma, pero tamad maglinis ng kuwarto niya.

Kaya lesson ito sa mga mahilig mag-selfie sa kanilang sariling kuwarto. Siguraduhin na malinis ang background ninyo bago mag-selfie para hindi maokray at matawag na salaula.

Maureen type mag-showbiz!

Hindi makapaniwala si Asia’s Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz na isa ang supermodel na si Tyra Banks na nag-comment sa kanyang pinost sa Instagram na cover niya sa Nylon magazine in Singapore.

Kabilang sa mga napanalunan ni Maureen bilang Asia’s Next Top Model ay isang cover spread sa Nylon.

Nilabas agad ang naturang magazine pagkatapos ma-declare na winner si Maureen.

Natuwa si Maureen nang mabasa niya ang comment ni Tyra sa kanyang IG post.

Si Tyra ang creator at producer ng America’s Next Top Model at Asian franchise ang AsNTM.

Inamin ni Maureen na isa sa mga idol niyang modelo ay si Tyra at bata pa lang siya ay mahilig na siyang mag-pose sa harapan ng salamin na parang isang supermodel.

I’ve been wanting to model for a long time so I’d always pose in front of the mirror. I would always check like photo shoots, like magazines and I would like copy their poses,” ngiti pa niya.

Bukod sa pagiging model, gusto ring subukan ni Maureen ang pag-arte sa TV at pelikula.

“I really wanna focus on my modeing career now, but if there’s a really good opportunity, I might pursue acting also because I also have a passion for acting.”

Baseball player na dyowa ni J.Lo hindi umeepal

Walang pakialam na nagpaka-fanboy ang bagong boyfriend ni Jennifer Lopez na si Alex Rodriguez nang sumama ito sa taping ng Macy’s 4th of July Fireworks Spectacular in New York.

Kabilang si Jennifer sa magpe-perform sa naturang event at masaya itong sinama si Alex dahil naging very supportive ito sa mga ginagawa niya.

Habang nagpe-perform si Jennifer, nasa crowd lang si Alex at kinukunan ang performance ng girlfriend sa kanyang smart phone.

Isa sa mga costumes ni Jennifer ay ang blinged out na NYC baseball cap na ikinatuwa ni Alex.

The 41-year old baseball pro at ngayon ay Fox Sport commentator ay pinost ang mga videos na kinunan niya sa Instagram at nilagyan niya ng caption na “Lola in the City #nituniyo #NYC#4thofjulyweekend.”

Alam ni Alex na event iyon ng kanyang girlfriend kaya pinabayaan niya itong maging sentro ng mga photographers.

Simple lang ang suot ni Alex na white shirt, white pants at blue rubber shoes habang si Jennifer ay suot ang isang dazzling designer gown.

Pagkatapos ng taping ay nag-stay ang dalawa sa trailer ni Jennifer at kitang-kita ang pagiging sweet nila sa habang nagpapahinga sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with