High school dance crews mainit ang labanan
(Pang-masa) - October 10, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Handa nang magpasiklaban sa dance floor ang siyam sa pinakamahuhusay na high school dance crews sa Metro Manila sa nalalapit na MYX Moves Street Dance Competition ngayong October 23 sa SM City North EDSA SkyDome.

Sa ginanap na semifinals kamakailan sa Fisher Mall activity center, nanguna ang DanSSA ng School of St. Anthony at CSA Dance Troupe ng Colegio de San Agustin sa Co-Ed Division matapos itong mag-tie sa average score na 89.33%. Sinundan ito ng FBHS Contemporary Danzza ng Fort Bonifacio High School sa ikalawang pwesto na nakakuha naman ng 84.33%.

Pinakahumataw naman sa Boys Division ang IndAK mula sa Ateneo De Manila High School at naungusan ang apat pang crews sa average score na 87.33%. Pumangalawa naman ang Maris High Impact ng Marist School (87%) at pumangatlo naman ang Dance X ng Xavier School (86.33%).

Mas matindi naman ang labanan sa Girls Division dahil apat na crew lang ang naglaban-laban para sa top three positions. Sa huli, nanaig ang Terpsichore ng St. Paul College Pasig sa average score na 90.33% na sinundan ng Aglaia ng School of Holy Spirit na may 89.33% at DCDT ng Dominican College San Juan na may 87.33%.

Pinangunahan ng MYX VJs na sina Alex, Tippy, at Ai ang ginanap na MYX Moves semifinals kasama sina Michael Arda ng A-Team, Lema Diaz ng Philippine All Stars, at Sherwin Casepe ng G-Force bilang mga hurado.

Nagpakilig din ng mga manonood ang singing teen hearrthrob na si Kyle Echarri at R&B pop artist na si Young JV sa kani-kanilang hinandog na production numbers.

Ang MYX Moves Grand Finals ay gaganapin sa October 23 sa SM City North EDSA SkyDome. Mapapanood ang second part ng MYX Moves Semi-Finals sa Oct. 15, 5 PM, sa MYX (SkyCable ch 23).

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with