^

Pang Movies

Anne ayaw makigaya kina Isabelle at Solenn

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Tama naman si Anne Curtis na hindi niya kailangan ma-pressure kahit pa engaged na ang kanyang bestfriends na sina Isabelle Daza at Solenn Heussaff.

Alam ni Anne na darating din ang wedding sa kanila ng kanyang nobyo for five years na si Erwan Heussaff in time. Ayaw ni Anne magpakasal in wrong reasons tulad ng dahil lang sa ikakasal na kanyang mga kaibigan.

For the mean time, enjoy muna si Anne sa marami niyang project.

Una muna ang bagong nitong palabas sa ABS-CBN na I Love OPM na nung una ay hindi makapaniwala ang TV host/actress na magho-host siya ng singing show. Pero nang malaman nito na original ang concept dahil ang mga contestant ay mga foreigner na walang dugong Pinoy pero kumakanta ng mga OPM songs lalo na ng mga Tagalog na kanta, mas lalo siyang na-excite.

Naka-relate agad si Ms. Anne, plus makakasama pa niya sina Toni Gonzaga, Lani Misalucha, at Martin Nievera bilang mga Immigration Officers sa show na magsasabi kung denied o pasado ang mga contestant.

Makaka-tandem pa ni Anne si Eric Nicolas kaya mas magiging riot ang kanilang mga eksena.

Busy din si Anne sa Empire of Pink, ang kanyang bagong album.

Kaya pala nagpakulay ng pink ang TV host dahil ito ang theme ng  kanyang bagong album na unang mapapakinggan sa It’s Showtime.

Matutupad din ang wish ni Anne na magkaroon ng sariling music video na pinagpilitan daw talaga niya kay Boss Vic del Rosario ng Viva, ito na lang daw ang kulang sa kanyang singing career dahil nagkaroon na siya ng concert at album na parehong kumita pero wala siyang music video.

Una ring mapapanood ang first music video ni Anne sa Showtime na handog niya sa kanyang fans.

Aminado naman si Anne na nag-improve ang kanyang singing talent lalo na raw sa umaga at maganda ang timpla at may binabagayan lang na timbre ang kanyang boses.

Walang makakapigil sa pag-arangkada muli ni Anne sa kanyang career na may time pa makapagsulat ng sarili niyang libro na may title na Anita, the Duckling Diva na project din ng UNICEF.

Gusto rin kasi ni Anne na matulungan ang mga batang mahiyain sa pamamagitan ng kanyang libro. Sobra-sobra ang blessings ni Anne na pinagpapasalamat niya bilang regalo ngayong kanyang kaarawan sa February 17.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with