_pang-masa
^

Richard umarangkada na sa Panday

Jun Nardo (Pang-masa) - January 9, 2016 - 9:00am

Umarangkada na ang taping ni Richard Gutierrez para sa bagong TV version ng Ang Panday, isa sa mga project ni Boss Vic del Rosario sa TV5.

Nag-post si Direk Mac Alejandre ng photos sa Facebook account niya habang nasa sand dunes sila sa Paoay, Ilocos Norte kasama si Chard suot ang iconic costume ng Panday bilang si Flavio. May suot na wig at iniba ang hitsura ni Richard bilang bagong Panday.

Sa totoo lang, ang Viva Films ang unang nagbigay ng directorial break kay Mac. Kaya naman may karapatan siyang idirek ang nasa­bing TV5 series.

Matagal-tagal ding walang series si Richard at magandang proyekto ang Panday sa muli niyang pagbabalik sa TV, huh!

Kuya Germs dinadagsa ng fans

Nanguna si Nora Aunor sa mga artistang pumasyal sa unang gabi ng burol ni Kuya Germs sa Mt. Carmel nu’ng Biyernes ng gabi.

Nagkaroon ng full coverage ang 24 Oras sa unang gabi ng lamay sa nasabing simbahan.

Sinariwa ng news program ang magagandang alaala ng Master Showman sa showbiz mula nang magsimula siya hanggang sa pagdadala sa kanya sa ospital bago siya nalagutan ng hininga.

Si Kuya Germs ang kumimbinse kay Ate Guy na muling balikan ang showbiz nu’ng panahong nananatili siya sa Amerika. Nagkaroon man sila ng konting sigalot, hindi naging isyu ‘yon kay Kuya Germs at napanatili ang friendship nila ng Superstar.

Kahapon naman nang umaga ay nagkaroon na ng public viewing sa labi ni Kuya Germs. Ayon sa narinig namin, sa Wednesday ang libing ng Master Showman.

Dalawang pelikula halos sabay ipalalabas Solenn ratsada na pagkakasal

Malamang na magkaroon ng Solenn Heussaff overload sa buwan ng Pebrero. Dalawang movies niya ang magkasunod na ipalalabas kung hindi maaayos ang schedules.

Darating sa Martes si Solenn galing sa wedding niya sa Argentina sa partner na si Nico Bolzico. Ginulat ng seksing aktres ang showbiz sa desisyon niyang magpatali na.

Haharap si Solenn sa showbiz press para sa movie niyang Lakbay2Love kung saan kasama niya si Dennis Trillo. Second movie together nina Dennis at Solenn ang L2L. Una siyang nagkasama sa filmfest entry na Yesterday, Today, Tomorrow. February 3 ang target playdate ng L2L.

February 10 naman ang target playdate ng movie ni Solenn with Derek Ramsay na Love Is Blind. This early, maraming natuwa sa nakapanood ng trailer ng Regal movie kung saan nasa cast din ang komed­yanteng si Kiray Celis bilang “the other Solenn,” huh!

Bago ang LIB, magpapainit sa stage si Solenn kasama naman ang friend na si Lovi Poe sa pre-Valentine show nila sa Music Museum.

ACIRC ANG ANG PANDAY ATE GUY BOSS VIC DALAWANG DENNIS TRILLO KUYA GERMS MASTER SHOWMAN PANDAY SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with