Dennis walang balak bumoto sa 2016!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - November 5, 2015 - 9:00am

Ang husay-husay naman ni Dennis Trillo, nagagawa niyang pumunta sa  PTC sa school ng anak niyang si Calix  Andreas Ho kay Carlene  Aguilar kahit busy ito sa kanyang mga trabaho.

Kapag hindi raw puwedeng pumunta si Carlene sa PTC ng kanilang anak ay naisisingit ni Dennis sa kanyang schedule ang pag-attend sa meeting at pagkuha ng card ng bata.

Hindi naman daw siya pinagkakaguluhan kahit after ng meeting, wala rin daw parents na nagpapakuha sa kanya ng pictures. Hindi naman daw sabik sa mga artista ang sosyal na mga nanay ng classmates ng anak niya.

Samantala, sinabi ni Dennis na wala raw siya balak bumoto sa halalan sa Mayo ng 2016 kahit isa siyang registered voter.

Sinabi ni Dennis sa isang interview, ayaw daw niya sa mga pulitikong hilaw at walang sapat na karanasan sa pagpapatakbo ng bansa.

Wala rin daw balak pumasok si Dennis sa pulitika at hayaan na lang daw niya ito sa ibang tao.

Kahit malaki ang exposure ni Dennis dahil sa pagganap niya bilang Felix Manalo, ayaw pa rin ng aktor na sumabak sa pulitika dahil hindi raw niya ito linya.

Pokwang at Benjie, good vibes naman ang ipapalaganap

Pagkatapos mag-iyakan nina Pokwang at Benjie Paras sa palabas na Nathaniel ng Kapamilya, nag-promise ang mahuhusay na komedyante na good vibes na ang ipakakalat nila sa pinagsasamahan nilang movie na Wang Fang handog ng Viva Films.

Wala raw kasing ginawa sina Pokwang at Benjie kundi magdramahan at umiyak sa Nathaniel, this time ay magpapasaya raw sila ng mga manonood sa muling pagtatambal nila sa pelikulang showing sa November 28.

Mas madali raw ang kanilang pagtatrabaho dahil mga natural silang komedyante na tinginan pa lang ay gamay na ang kiliti ng bawat isa.

Promise rin ni Direk Wenn Deramas na masaya ang mga batuhan ng linya nina Pokwang at Benjie sa pelikula na sinamahan pa sila sa kulitan nina Andre Paras, Yassi  Pressman, Atak, at ni Candy Pangilinan kaya tiyak na lalong magiging riot ang kanilang mga eksena.

Kahit sa pagsasama nina Pokwang at Benjie sa KrisTV ay kuwelang-kuwela na kay Kris Aquino at sa viewers ang mga birit at pasundot na batuhan nila ng punch lines.

Dahil sinusuportahan din ni Kris si Pokie, sinama na rin ang actor comedian na si Benjie sa morning show ni Tetay sa ABS-CBN para makapag-promote ng pelikula.

 

ANDRE PARAS ANDREAS HO ANG BENJIE BENJIE PARAS CANDY PANGILINAN CARLENE DENNIS TRILLO MGA POKWANG STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with