^

Pang Movies

Kris may immersion sa mga day care center at ospital

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masayang-masaya si Kris Bernal ngayon, kahit na sunud-sunod ang trabaho niya. As the social media in charge sa Starstruck 6 inaabot pala siya ng two to three days na nagku-cover ng mga challenges na ginagawa ng bawat isa sa mga hopefuls ng original reality artista search ng GMA 7.

“At kapag Friday, naroon pa rin po ako sa live tele­cast ng show, dahil iri-report ko ang mga na-cover ko sa kanila,” kuwento ni Kris after the pre­sentation of the Ultimate Final 14 sa Studio 7 ng GMA Annex. “Narito ako at nakikiiyak sa mga contestants na natatanggal. Alam ko kasi ang feeling kapag tumatunog na iyong heartbeat sound, talagang manginginig ka sa nerbyos, dahil napagdaanan ko iyan noon. I tried naman na give them advice na hindi doon natatapos ang journey nila, Maaaring may ibang ibibigay si Lord, ga­mitin nila ang na-experience nila during the contest, huwag silang susuko.”

Pero may isa pang nagpapasaya kay Kris ngayon, ito’y ang pagbibigay sa kanya ng chance na makasama for the first time ang Superstar, si Nora Aunor. Ito ang pinakamala­king challenge niya sa kanyang career bilang isang actress. Alam ba niyang may unang napili to play the role?

“Okey lamang po iyon sa akin, pero nagpapasalamat ako na sa akin din naibigay.

“Little Mommy po ang title at excited na ninener­byos ako dahil makakasama ko nga ang dala­wang icon ng movie industry, si Ms. Nora Aunor at Mr. Eddie Garcia. Gaganap po akong may intellectual disability, isip bata, she’s only seven years old, while I’m already 26 years old now. Kaya po may immersion akong gagawin, sa mga day care center, sa hospitals. Magiging observant din ako sa mga bata. May isa pa akong pag-aaralan, ang maging mommy dahil mabubuntis ako at a very young age. Kaya po talagang excited ako at challenged sa bago kong project sa GMA 7.”

Makakasama rin ni Kris sa bagong soap sina Mark Herras, Hiro Peralta, Juancho Trivino. Next week magsisimula na silang mag-taping under actor-director Ricky Davao.

Yaya Dub magkakaboses na sa paghu-host sa EB?!

Magkakapalit na sina Alden Ri­chards at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa sugod-bahay at kalyeserye ng Eat Bulaga. Ito ang isang request ni Lola Nidora (Wally Bayola) nang dumalaw na sila ni Lola Tinidora (Jose Manalo) at Yaya Dub sa Broadway Studio.  Live rin silang nag-duet ng song ni Alden na Wish I May na hindi na itinago ni Yaya ang boses at kumanta. Nag-selfie rin sila na wala na ang one-foot apart na layo sa isa’t isa.

At ni-request na ni Lola Nidora na si Yaya Dub naman daw ang iiwanan niya kina Vic, pero binalaan niya si Sam YG, at si Alden naman ang isa­sama niya sa sugod-bahay. Ang tanong, gagamitin na ba ni Yaya Dub ang boses niya sa paghu-host o magda-dubsmash pa rin ito?

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALAM

ALDEN RI

ANG

BROADWAY STUDIO

EAT BULAGA

LOLA NIDORA

NBSP

SHY

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with