^

Pang Movies

Barbie mas piniling mag-adopt ng kuwarto sa isang hospital kesa magpabongga sa debut

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Red ang favorite color ni Barbie Forteza kaya red dress ang outfit niya kahapon sa kanyang birthday presscon, courtesy of GMA-7.

Kulay pula rin ang mga lobo at mantel ng mga mesa with matching red carpet.

Touched na touched si Barbie sa 18th birthday gift sa kanya ng Kapuso Network.

Naglambing si Barbie sa entertainment press na suportahan ang adopt-a-room at donation campaign niya para sa mga bagets na pasyente ng Philippine Children’s Medical Center (PMPC).

Malapit sa puso ni Barbie ang PCMC kaya nag-adopt siya ng isang kuwarto sa naturang ospital. Sa tulong ng mga architect, ginastusan at  pinaganda ni Barbie ang private room na P1,500 per day ang singil.

Ang mga pasyente ng PCMC ang makikinabang sa datung na kikitain ng private room. Nagpapasalamat si Barbie sa mga sponsor na tumulong sa kanya para mapaganda ang private room.

Yes!, nakinabang sa SONA ni Pangulong Noynoy

Halata na ang baby bump ni Marian Rivera nang dumalo sila ni Dingdong Dantes sa 15th anniversary party ng YES! Magazine sa Crowne Plaza Hotel noong Lunes.

Hapit ang damit na suot ni Marian at kitang-kita na ang kanyang tiyan na lumalaki kaya naniwala na  ang mga usisero at usisera na buntis nga siya sa panganay nila ni Dingdong.

Kinilig ang mga female guest sa YES! event  nang marinig nila na matunog na “Dad” ang tawag ni Marian kay Dingdong.

Star-studded ang YES! event dahil sa presence ng mga artista mula sa ABS-CBN, TV5 at GMA 7.

Early bird si Mama Charo Santos-Concio dahil 7:00 pm ang imbitasyon pero 6:45 pm pa lang, nasa Crowne Plaza na siya.

Blessing in disguise para sa mga guest na kasabay ng YES! event ang State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy dahil maluwag ang trapik sa lansangan. Pati ang mga bisita na nanggaling sa Makati, hindi makapaniwala na maluwag na maluwag ang EDSA.

Umapir din sa YES! party ang big boss namin sa GMA 7, si Atty. Felipe L. Gozon at ang kanyang misis. Naroroon din ang mag-asawang Congressman na sina Roman Romulo at Shalani Soledad na hindi nagtagal dahil umalis agad.

Kung si Gwyneth Dorado na finalist sa Asia’s Got Talent ang kumanta ng Lupang Hinirang sa SONA ni P-Noy, ang kapwa niya finalist sa Asia’s Got Talent na si Gerphil Flores ang nag-perform at may-I-sing ng Impossible Dream sa YES! party.

Hindi pa masyadong kilala si Gerphil kaya hindi siya namukhaan ng mga bisita nang rumampa sa red carpet.

Ibang-iba raw kasi ang mukha ni Gerphil sa TV at sa personal.

Cong. Sherwin kasado na ang pagtakbo bilang senador

Best-dressed sa SONA sina Heart Evangelista, Dawn Zulueta, Kris Aquino at Jinkee Pacquiao.

Gustong-gusto ko ang mga gown na ginamit nina Dawn, Heart at Jinkee.

Si Inno Sotto ang designer ng Filipiniana gown ni Heart na lalong tumingkad ang kagandahan. Type ko ang green and pink gown ni Mama Jinkee na gawa ng fashion designer na si Francis Libiran. Bumagay sa edad ni Jinkee ang damit niya. Type ko rin ang Barong Tagalog na suot ni Papa Manny Pacquiao na hindi pa makapagdesisyon kung tatakbo siya na senador sa eleksyon sa susunod na taon.

Mabuti pa si Congressman Sherwin Gatcha­lian, hindi na pinahirapan sa panghuhula  ang mga tao. Buong ningning na sinabi ni Papa Sherwin na tuloy na tuloy ang senatorial bid niya sa 2016 dahil siya ang bet ng National People’s Coalition.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARBIE

BARONG TAGALOG

CONGRESSMAN SHERWIN GATCHA

CROWNE PLAZA

CROWNE PLAZA HOTEL

DAWN ZULUETA

GOT TALENT

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with