^

Pang Movies

Pinoy choirs kukuyugin ang mga int’l na kalaban

Pang-masa

MANILA, Philippines - Paulit-ulit na pinatutunayan ng mga Pinoy na hindi lamang tayo sa mga beauty pageant maaaring bumongga sa pagiging world class, kundi maging sa mga science competition, speech, fests, robotics, musika, at sayaw. Sa darating na Disyembre, mahigit-kumulang sa 40 batikang mga Filipino chorale ang kakatawan sa Pilipinas sa pagtatanghal ng Sing N Joy Manila 2013, ang international choral competition na itinatag ng Interkultur Germany, na gaganapin sa Aliw Theater Complex sa Pasay City. Tatlumpu sa mga ito ang pumasa sa masusing auditions at elimination rounds ng Manila Broadcasting Company (MBC): TIP Choral Society, Kinaadman Chorale, Enharmonica Singers, Coro Amadeo, UP Manila Chorale, Pasig Catholic College, Vox Angeli, Himig Bulilit of St. Paul College Parañaque, University of San Agustin Troubadours, St. Mary’s University Choral Society, Regina Coeli, Tabor Hill College OAD Choir, Coro San Nicoleno, Calasiao Children’s Chorus, The Ateneo Boys Choir, University of Manila Singers, Vox Amigos, Juan Luna Elementary School, Davao Girl’s Choir, Lyceum of Alabang, Tining-Ang Koro ng Letran, Calamba, Coro Obcento, Agoo Children’s Choir, Isabela State University Chamber Choir, Cebu Central School Children’s Choir, Central Luzon State University Maestro Singers, at SPA Music Ensemble ng Oton National High School Iloilo at susuportahan sa kanilang mga pangangailangang pinansiyal ng broadcast network upang hindi na mahirapan sa paghahanap ng participation fees.

Ang mga dating kampeon ng MBC National Choral Competition na Coro de Manila, Hiyas ng Pilipinas, St. Louis University Glee Club, at Laoag City Children’s Choir ay bibigyan din ng subsidy ng MBC.

Ilan sa iba pang mga local choir na nakapagtala na sa Interkultur para lumahok sa prestihiyosong international choral derby ay ang Mapua Cardinal Singers, Southern Leyte, Singing Ambassadors, Coro San Benildo, South Cotabato Chorale, Adventist Glee, Olongapo Youth Choir, St. Paul College Pasig High School Chorale, at Lourdes School Quezon City.

Ilan pang mga choir mula sa iba’t ibang bansa sa Asia Pacific region ang inaasahang dadayo ng Maynila upang lumahok sa Sing N Joy Manila sa pagtatanghal nito sa ilalim ng pakikipagtulungan ng MBC, Interkultur Germany, at ng Philippine Choral Directors Association, kasama ng pagtatangkilik ng Globe Telecom.

 

 

 

 

vuukle comment

ADVENTIST GLEE

AGOO CHILDREN

ALIW THEATER COMPLEX

ASIA PACIFIC

ATENEO BOYS CHOIR

CHOIR

INTERKULTUR GERMANY

SING N JOY MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with