^

PSN Palaro

E-Painters dumiga ng ‘do-or-die’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
E-Painters dumiga ng �do-or-die�
iliparan ni Jhonard Clarito ng Rain or Shine si Roger Pogoy ng TNT Tropang Giga.
PBA

MANILA, Philippines —  Pumuwersa ng ‘do-or-die’ ang Rain or Shine matapos ipinta ang 121-113 panalo kontra sa TNT Tropang Giga sa Game Two ng quar­terfinals series ng Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Bumangon ang Elasto Painters mula sa naunang 99-116 kabiguan sa Game One para itabla sa 1-1 ang ka­nilang best-of-three duel ng Tropang Giga.

Nakatakda ang Game Three sa Miyerkules kung sa­an ang mananalo ang sasagupa sa magwawagi sa quarterfinals match ng No. 1 San Miguel at No. 8 Terra­firma para sa best-of-seven semifinals series.

Nagpasabog si Jhonard Clarito ng 29 points kasama ang 5-of-5 shooting sa three-point line para banderahan ang opensa ng Rain or Shine.

Umiskor si Andrei Caracut ng 21 markers, habang may tig-20 points sina rookie Adrian Nocom at Leonard Santillan kasunod ang 12 points ni Gian Mamuyac.

Pinamunuan ni Roger Pogoy ang TNT sa kanyang 28 points, samantalang may 17, 15 at 13 markers sina Jayson Castro, rookie Kim Aurin at Glenn Khobuntin, ayon sa pagkakasunod.

Walang nakapagtala ng double digit lead sa dalawang koponan kung saan kinuha ng Tropang Giga ang 111-109 bentahe sa 2:49 minuto ng fourth period.

Ang layup ni Santillan kasunod ang triple ni Clarito at salaksak ni Nocom ang nagbigay sa Elasto Painters ng 116-111 bentahe sa huling 1:41 minuto.

Lalo pang ibinaon ng Rain or Shine ang TNT matapos ang tres ni Caracut para sa kanilang 119-111 kalamangan sa natitirang 1:16 minuto ng laro.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with