^

Pang Movies

Bea, hindi nagmamadaling pakasal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea, hindi nagmamadaling pakasal!

Matutuloy naman pala ang pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards na Special Memory at sabi ni Bea, sa mga nagtanong sa kanyang pa-“ask away” sa Instagram, lock-in shooting na sila sa February.

Pati sa nagtanong kung matutuloy pa ba ang teleserye niya sa GMA, “YES YES YES! We’ll announce very, very soon. I’m so excited!” ang sagot ni Bea.

Hindi nabanggit ni Bea ang makakasama niya sa teleserye niya sa GMA 7, ang balita ay si Alden pa rin at isa pang aktor. Kung sino ang isa pang aktor na ‘yun, abangan na lang natin!

May nag-comment naman na Bea is not getting any younger at kailan daw ba siya mag-aasawa at have kids like Marian (Rivera), Anne (Curtis), Jennylyn (Mercado)

Sagot ni Bea, “May taxi? Hahaha. Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race, after all. I believe we all have our own timeline.”

Kris, pinaiiyak ang mga tagasuporta

Pinapaiyak ni Kris Aquino ang loyal supporters niya sa kanyang Instagram posts nitong mga nakaraang araw. Gaya na lang ng post niyang “@boss1020 is my closest cousin & apart from my Ate, the one who knows all my life’s pain & secrets...  the one aware of what my plans are & what my physical condition is, because she’ll be the one i know who shall be looking after my 2 sons should anything happen to me” at ang karugtong nitong “Sorry to disappoint pero buhay at ilalabas pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me.”

Pinaiyak din ni Kris ang mga nakabasa sa post niya tungkol sa family at ‘yung part na binanggit niya ang sisters niya at ang birthday greetings niya sa mom niyang si former President Cory Aquino.

“Happy Birthday mom, your children are 100 % united- exactly what you had always prayed for.”

Anyway, natatandaan namin ang comment ng isang netizen after mabasa ang panawagan at apela ni Robin Padilla na itigil ang pamba-bash kay Kris. Bakit daw si Robin palang ang taga-showbiz na nanawagan na tigilan ang pamba-bash kay Kris at sa halip ay ipagdasal na gumaling ito?

Matutuwa ang netizen na nagtanong dahil may ganu’n ding apela si Sen. Bong Revilla na idinaan sa Facebook. Sinamahan pa niya ng marami at iba’t ibang larawan ni Kris ang panawagan.

Gardo, noon pa gustong makatrabaho si Bong

Parehong matagal nang nasa showbiz sina Sen. Bong Revilla at Gardo Versoza, pero sa Season 2 ng Agimat ng Agila lang sila nagkatrabaho. First time nilang magkasama, kaya sabi ni Gardo, dream come true ito sa kanya at matagal nasa kayang bucket list.

“Nagpapasalamat ako sa GMA at kay senator dahil nabanggit ko sa kanya na matagal ko nang pinapangarap na makasama siya. Kumbaga sa listahan, at least, nakumpleto ko na ang listahan ko. Ang maganda pa, napa-TikTok ko si Bong,” sabi ni Gardo.

Si Bong na ang nagsabing hindi nagdalawang salita si Gardo nang i-request kung puwede silang mag-TikTok. Idinagdag na rin ni Bong na mabait na kontrabida rito si Gardo, malapit sa tao at cool na cool lang.

Ginagampanan ni Gardo ang karakter ni Zeus, ang main kontrabida ni Bong na kahit mabait, lalabas pa rin ang kasamaan sa mga susunod na episodes ng Season 2 ng Agimat ng Agila. Si Rico Gutierrez ang director nito na hangang-hanga si Bong sa husay at hindi nakagugulat kung siya rin ang kunin ni Bong na madirek ng pelikulang Alyas Pogi.

Anyway, sa Sabado na, Jan. 29, 7:15 p.m., ang premiere nito sa GMA 7.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with