^

PSN Opinyon

Sol, di ka basta babagsak!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sa Laguna, tila hindi nauubusan ng ibinabatong akusasyon ang mga tumutuligsa kay Gobernadora Sol Aragones. Pero tandaan, hindi porke may nagrereklamo ay may kasalanan na agad ang pinupuntirya.

Sa isyu ng umano’y iregularidad sa P180 milyong pondong pangkalamidad, malinaw na ibinasura ng Ombudsman ang reklamong inihain laban kay Sol at ilang opisyal dahil walang sapat na batayan para ituloy ito. Ngayon, may mosyong ­muling pag-aralan ang desisyon, pero hindi ibig sabihin nito ay maaari na siyang husgahan at durugin sa mga paratang na hindi pa napapatunayan.

Sa mga walang sawang bumabato ng akusasyon, kung may ebidensiya kayo, ilabas ninyo! Huwag puro ingay, duda at pamumulitika ang puhunan.

Hindi dapat gawing punching bag si Sol para lang makakuha ng atensiyon o makasira ng tiwala ng mga taga-Laguna. Karapatan ninyong pumuna, pero karapatan din niyang ipagtanggol ang sarili. Sa mga taga-Laguna, huwag magpaloko sa ingay at huwag gawing hatol ang paninira. Sol, huwag kang basta magpatinag! Mas sagutin ang mga batikos sa pamamagitan ng tapat na serbisyo.

Tandaan ng mga gustong magpabagsak sa kanya: hindi sapat ang ingay para manaig laban sa katotohanan!

SOL ARAGONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with