^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Handa ba sa tigil pasada?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Handa ba sa tigil pasada?

Ngayon ang simula ng dalawang araw na tigil pa­sada na isasagawa ng transport groups na PISTON at Manibela bilang pagtutol sa PUV Modernization Prog­ram ng pamahalaan. Ito na ang ikatlong tigil pasada na ginawa ng PISTON at Manibela. Una ay noong Nob­yembre 13, 2023 at ikalawa ay noong Noong Nob­yem­bre 15, 2023. Mahigpit nilang tinututulan ang PUV Mo­dernization na ang deadline para sa consolidation sa kooperatiba ay noong Disyembre 31, 2023. Binigyang muli ng extension ang consolidation at itinakda sa Abril 30 ang deadline. Pero sa kabila nang binigay na deadline, walang ginawa ang PISTON at Manibela para mag-consolidate at sa halip, ang tigil-pasada ang inatupag. Binigyan na ng pagkakataon pero hindi sila nakinig at ikinatwiran na ang makikinabang lamang daw sa modernisasyon ay mga dayuhang kompanya. Ayon pa kanila, masyado raw mahal ang unit ng mo­dern jeepneys at hindi kakayanin ng operators.

Dalawang transport groups lamang ang tumututol sa PUV Modernization samantalang ang iba ay na­kapag-consolidate na. Ayon sa Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) hindi sila kasama sa tigil pasada na isa­sagawa ng Manibela at Piston. Ayon kay ALTODAP president Boy Vargas, sinabihan daw niya ang Mani­bela at Piston na hindi na uso ngayon ang transport strike at dapat mag-consolidate na lamang sila para sa mo­dernisasyon.

Noong nakaraang linggo, mariing sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin ng pamahalaan ang deadline para sa consolidation. Tuloy na umano ang PUV Modernization at wala nang makapipigil pa sa pagpapatupad nito. Maraming beses na umanong naudlot ang pagpapatupad ng modernization.

Sinabi naman ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagkaraan ng Abril 30 ang mga jeepney na hindi naka-consolidate ay ituturing nang colorum at huhulihin.

Nararapat nang ipatupad ang PUV Modernization at hindi na dapat magbigay ng extension. Kapag pinagbigyan ang dalawang transport groups, wala na silang gagawin kundi ang magbanta ng tigil pasada. Wala naman silang kakayahang paralisahin ang transportasyon dahil marami na ang naka-consolidate. Pati­kimin na ng pilantik ang dalawang grupong ito na tila baliktad ang pang-unawa. Habang ang ibang transport group ay gusto sa modernization, sila naman ay gusto sa kakarag-karag na jeepney na nagbubuga ng nakalalasong usok at nagdudulot ng trapik.

Siguruhin lang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na handa silang tugunan ang mga pasaherong maaapektuhan ngayon. Makakaya naman ito ng pamahalaan.

vuukle comment

PISTON

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with