^

PSN Palaro

Bagong Asian Games record ni Obiena

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang beses niyang sinira ang men’s pole vault record sa Asian Games para sa kanyang ikalawang sunod na gold medal.

Nilundag ni Obiena ang bagong markang 5.91-meters para patuloy na pagharian ang kanyang event laban sa 11 pang kalahok kahapon sa Nagoya City Mizuho Park Stadium.

Madaling nalundag ni Obiena ang 5.50m, 5.70m at 5.75m bago isinara ang event sa paglilista ng bagong Asiad record na 5.91m.

Ito ang pangalawang pagkakataon na inangkin ng 6-foot-2 pole vaulter ang gold medal sa 20th edition ng Asiad matapos magtala ng 5.90m noong 2022 sa Hangzhou, China.

Dinuplika rin ng 30-an­yos na si Obiena ang kanyang season-best clea­rance na 5.91m na inilista niya sa Golden Sand meet sa Poland noong Agosto 17.

Sumabak sa aksyon si Obiena sa ilalim ng kanyang bagong coach na si Marcin Szczepanski ng Poland matapos makipaghiwalay kay legendary mentor Vitaly Petrov ng Ukraine na sinamahan siya mula 2014 hanggang 2026.

Kasabay nito ang pag­lipat ng two-time Olympian ng training camp sa Athens, Greece kasama si Szcze­panski mula sa Italy.

Simula noong Enero 24 hanggang Setyembre 1 ay sumalang si Obiena sa 26 tournaments kung saan naghari siya ng siyam na beses at tumapos sa top three ng 14 ulit.

Hawak pa rin ni Obiena, ang four-time Southeast Asian Games champion, ang Asian record na 6.00m.

Ang gold ni Obiena ang ikatlong medalya ng Philippine athletics team sa Aichi-Nagoya Asiad matapos ang tig-isang bronze nina Fil-Am middle distance runner Victoria Bossong sa women’s 800m run at Fil-Spanish John Cabang Tolentino sa men’s 110-meter hurdles.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with