^

PSN Palaro

Brownlee posible pa sa PBA Governors’ Cup

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Brownlee posible pa sa PBA Governors’ Cup
Si Justin Brownlee sa laban nila ng TNT Tropang 5G.

MANILA, Philippines — Posible pa ring makahabol si Justin Brownlee sa Barangay Ginebra para sa natitirang bahagi ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahit pa may bagong import na ang Gin Kings.

Bagama’t nasa Amerika pa, tuluy-tuloy ang pag-uusap nina Brownlee at head coach Tim Cone na sinabing intensyon pa rin ng kanyang resident import na makabalik sa lalong madaling panahon.

Wala pa ring clearance mula sa mga doktor si Brownlee na nagtamo ng leg at hamstring injuries sa Window 3 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang Hulyo.

Ito ang dahilan kaya hindi niya nasamahan ang Gilas sa Window 4 ng Asian Qualifiers na dito ginanap sa bansa at sa Asian Games sa Nagoya, Japan kung saan bigo ang Nationals na madepensahan ang trono.

Damay din sa mga hindi nasalihan ni Brownlee ang Governors’ Cup bilang resident import ng Gin Kings simula pa noong 2016 tampok ang 7 kampeo­nato at 4 na Best Import awards.

Wala pang kasiguruhan kung kailan babalik si Brownlee, dagdag ni Cone.

Habang wala si Brownlee, unang sinikwat ng Ginebra si Riley Grigsby subalit nagkasya lang sa 2-4 kartada para sa kulelat na puwesto sa Group B ang Gin Kings kaya kumuha uli ng kapalit sa katauhan ni Jordan Murphy.

 Aasa si Cone sa kalibre ni Murphy bilang US NCAA at NBA G League standout upang maisalba ang kampanya nila.

Sa Oktubre 7 na magbabalik-aksyon ang PBA matapos ang lagpas 2 buwang pahinga upang magbigay-daan sa kampanya ng Gilas sa FIBA at Asiad.

Subalit sa Oktubre 9 pa sasalang sa kanyang PBA debut si Murphy kontra sa Rain or Shine sa Ninoy Aquino Stadium.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with