^

PM Sports

Filipinas lalaro pa rin sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Yumukod ang Philippine national women’s football team sa China, 1-5, sa pagtatapos ng group stage sa 20th Asian Games kahapon sa Gifu Nagaragawa Stadium.

Si Skye Leach ang nag-iisang umiskor ng goal para sa Filipinas sa ika-65 minuto ng second half para sa kanilang 1-4 agwat sa mga Chinese.

Ngunit sa kabila nito ay lalaro pa rin ang Filipinas sa quarterfinal round bilang isa sa dalawang best third placers sa torneo.

Tinapos ng mga Pinay booters ang Group G na may apat na puntos mula sa isang panalo, isang draw at isang talo.

Nauna na nilang tinalo ang Hong Kong, 2-1, matapos ang 1-1 draw sa Uzbekistan.

“We also knew for us if we win this game, we could finish on top, or if we draw, we can finish second. So, we had a different mindset and it was to try to get the result that we wanted,” ani Australian coach Mark Torcaso.

Winalis ng mga Chinese ang tatlo nilang laro sa Group G para maging top seed.

Sa quarterfinals na sisipa sa Biyernes ay maa­aring makatapat ng Filipinas ang host at reig­ning champion Japan sa Shizuoka Stadium.

Ang Japan ang inaasahang kukuha sa first place sa Group E bago ang kanilang huling laro laban sa Chinese Taipei kagabi.

Tinalo na ng mga Japanese ang mga Pinay, 8-1, sa quarterfinals ng 2022 Hangzhou Asian Games sa China patungo sa pagkopo sa gold medal.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with