^

PM Sports

Saclag tiyak na sa silver

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabagsik si Jean Claude Saclag nang maglatag ito ng solidong laro sa finals para umusad sa gold medal match ng 20th Asian Games mixed martial arts men’s traditional -65kg final kahapon sa Nagoya City Inae Sports Center sa Nagoya, Japan.

Hindi nagsayang ng sandali si Saclag nang ilampaso nito si Daisuke Murayama ng Japan sa bendis­yon ng 3-0 unanimous decision win sa semifinals.

“Ramdam ko na mas malakas ako. Ramdam ko na nao-overpower ko siya pero yung galaw ng hips niya maganda talaga,” ani Saclag.

Dahil dito, makasisiguro na ng pilak na medalya si Saclag.

Target ni Saclag na maibigay ang unang ginto ng Pilipinas sa Asian Games sa pagsagupa nito kay Otabek Rajabov ng Tajikistan sa finals.

“Kailangan i-keep natin ‘yung distance, saktan natin siya  (Rajabov) and depensahan yung takedowns niya siguradong mananalo tayo kasi maga­ling siya sa ganun. Kita naman sa laro niya kahapon.”

Nakatakda ang gold medal match ngayong araw sa ala-1:20 ng hapon.

“Sanay naman tayong lumaban sa finals pero iba naman ito. Asian Games ito kaya mas inspirado tayo,” ani Saclag.

Nauna nang tinalo ni Saclag si Saud Fawaz Almolhem ng Saudi Arabia, 3-0 panalo sa quarter­finals.

Hindi naman pinalad ang isa pang MMA fighter na si Carlos Alvarez na natalo kay Yerkingali Burkutalin ng Kazakhstan sa men’s traditional -77kg semifinals sa iskor na 0-3.

Hindi naman uuwing luhaan si Alvarez dahil makasisiguro ito ng tanso sa pagpasok nito sa semis.

Umaasa si Saclag na magtutuluy-tuloy ang magandang ratsada nito sa finals para maisakatuparan ang inaasam nitong maibigay ang gintong medalya para sa Pilipinas.

May game plan na si Saclag sa finals.

Kailangan lang niya itong ma-execute ng maayos upang mapigilan ang galaw ng kanyang karibal.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with