Walang Sisihan
Olats ang Gilas Pilipinas sa Asian Games.
Sibak. Ousted. Tsugi.
Naglaho ang chance ma-retain ang gold na ipinanalo natin ‘nung 2023 sa Hangzhou.
Gaya ng dati, back to the drawing board.
Natalo tayo sa Bahrain, nanalo sa Kazakhstan at durog sa China, na atat na atat bumawi sa pagkatalo nila sa Gilas sa semis ‘nung last Asian Games.
At dahil sa 44 points na lamang ng China, biglang sumara ang pinto para sa Gilas.
Bago pa man sila pumunta ng Japan, may mga nagduda na sa chances natin dahil sa lineup.
Walang Justin Brownlee at ang masaklap, walang pamalit. Walang June Mar Fajardo, walang Kai Sotto, walang Dwight Ramos, walang Kevin Quiambao, walang Carl Tamayo, walang Scottie Thompson.
In short, wala.
Pero ano nga ba ang nangyari na sa haba ng panahon pwede mag-prepare, sad ending?
Siguradong mahabang discussion ito pag-uwi ng team from Japan. Of course, walang may gusto nito.
One request lang: Walang sisihan.
- Latest























