^

PSN Palaro

NXLED sasandig sa eksperyensa vs EST Cola

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NXLED sasandig sa eksperyensa vs EST Cola
Ibubuhos ni Myla Pablo ang kanyang lakas para mabigyan na ng unang PVL title ang Nxled Chameleons sa pagharap sa EST Cola ng Thailand na babanderahan ni Papatchaya Phontham (inset).
PVL photo

MANILA, Philippines — Inaasa­hang ga­gamitin ng Nxled ang kanilang eksperyensa sa pagsagupa sa guest team EST Cola ng Thailand sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence Finals.

Magkikita ang Chameleons at mga Thai spi­kers ngayong alas-6:30 ng gabi para sa kanilang ‘winner-take-all’ championship game sa Smart Ara­neta Coliseum.

Ito ang parehong unang PVL Finals appearance ng Nxled at EST Cola na tumapos sa fourth place noong 2024 edition na pinagreynahan ng Creamline.

“Siyempre, iyong Thailand kasi mga bata pa iyan eh, so ganado pang maglaro, hindi pa napapagod talaga,” sabi ng 32-anyos na si Myla Pablo ng Chameleons sa guest squad.

Nasa isang two-game winning run ang Nxled, habang apat na sunod na panalo ang hinataw ng EST Cola matapos matalo sa dating reynang PLDT sa una nilang laban sa torneo.

Inungusan ng Thai team ang Chameleons via five-setter sa una nilang pagtatagpo sa eliminasyon.

“Siguro I think ang kailangan namin gawin this Tuesday is ibigay iyong best namin,” wika ni Pablo na mu­ling makakatulong sina Fil-Am middle blocker MJ Phillips, Jonah Sabete-Escamillan, Jaqui Acuna, EJ Carino at setter Gel Cayuna.

Sasandigan ng EST Cola sina Papatchaya Phontham, Nannaphat Moonjakham at Nirarach Srikuta.

Ang 20-anyos na si Phontham ang second-leading scorer ng torneo matapos pumalo ng 97 points tampok ang 84 attacks.

Sa ikalawang laro, pag­lalabanan ng High Speed Hitters at Cool Smashers ang bronze medal sa alas-4 ng hapon.

Sa unang laban sa ala-1:30 ng hapon maghaharap ang Farm Fresh at guest team Ho Chi Minh City ng Vietnam para sa fifth place.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with