F2F classes sa Las Piñas National High School suspendido
Dahil sa pananaksak sa estudyante
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng advisory nitong Linggo, Agosto 2, ang Las Piñas National High School (LPNHS) na pansamantalang wala munang face-to-face na klase sa mga mag-aaral at kawani ng eskwelahan sa loob ng Agosto 3-7, 2026.
Sa halip, ililipat muna sa Asynchronous/Modular Learning ang klase ng mga high school at senior high school, alinsunod sa naging kautusan o Department of Education Order 14, series of 2026.
Nagpaabot ng pakikidalamhati ang buong pamunuan at komunidad ng LPNHS sa pamilya, mga kaibigan at mahal sa buhay ng namayapang mag-aaral na si alyas “A.D.O.”, 23-anyos, Grade 9, na namatay sa pananaksak ng kaklase noong Hulyo 31, 2026.
Alinsunod din ito sa direktiba mula sa Tanggapan ng Punong Lungsod, Mayor April Aguilar-Nery, at upang bigyang-daan ang pangangalaga sa mental health at psychosocial well being ng buong akademikong komunidad, at pag-aasikaso ng iba pang kaugnay na usapin.
Magbabalik ang normal na klase sa Agosto 10, 2026, maliban kung magkakaroon ng panibagong abiso mula sa Pamahalaang Lungsod, ayon pa sa advisory ng Punong-Guro na si Ignacio L. Son, Jr.
- Latest
















