Happy Birthday
Gaano katagal ang 40 years?
Sa larangan ng print media or dyaryo in short, parang forever.
Yes, sa Philippine Star at Pilipino Star Ngayon, milestone ang umabot ng 40 years (July 28, 1986).
Born after the Edsa Revolution, dumaan na sila pareho sa pinakamatinding pagsubok.
At kumbaga sa boxing, still standing.
Mula kay Cory Aquino hanggang kay Ninong FVR, kay Erap, GMA, PNoy at Digong hanggang kay BBM, dinaanan lahat.
Sa larangan ng sports, kaliwat-kanan ang heroes gaya nila Lydia de Vega, Paeng Nepomuceno, Bata Reyes at Luisito Espinosa, sila Onyok Velasco, Eric Buhain at Elma Muros hanggang kila Manny Pacquiao, Nonito Donaire at Donnie Nietes, all the way kila Hidilyn Diaz, EJ Obiena, Caloy Yulo at Alex Eala.
Syempre, sa favorite nating basketball, mula kay Jawo, Mon Fernandez, sila Billy Ray Bates, Norman Black, Bobby Parks at Justin Brownlee, kay Philip Cesar, Samboy Lim, Allan Caidic, Alvin Patrimonio, Benjie Paras, Jerry Codiñera, Bong Alvarez at Jolas, sila Jimmy Alapag, Mark Caguiao, LA Tenorio hanggang kila Scottie Thompson, Jayson Castro at June Mar Fajardo.
Lahat ‘yan, kabilang at kasama sa history ng STAR.
Ika-26th year ko na sa STAR. Kasing tagal ng buhay may asawa ko at mas matanda pa sa mga anak ko. Yes, ganun katagal.
Saludo ako sa mga boss ng STAR — si MGB (Miguel Go Belmonte) at MVP (Manny Velez Pangilinan).
Sana, may forever.
- Latest




















