^

PSN Palaro

Amoroto kampeon sa All-Japan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginulantang ni Kyle Amoroto si two-time champion Johann Chua sa pamamagitan ng 11-5 demolisyon sa all-Filipino finals upang matamis na angkinin ang kampeonato sa 58th All-Japan Championship na ginanap sa Amagasaki sa Osaka, Japan kahapon.

Mainit ang simula ni Chua na naglatag agad ng 3-0 kalamangan sa pagsisimula ng laban.

Subalit matikas ang pagresbak ni Amoroto nang sumagot ito ng impresibong 5-0 run para maagaw ang bentahe sa 5-3.

Nagawang makadikit ni Chua sa 4-5 nang walisin nito ang ninth rack bago muling lumayo sa 7-4 si Amoroto.

Sinubukan pang manatili ni Chua sa kontensiyon nang lumapit ito sa 5-7.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ni Chua nang muling magpasabog ng solidong 4-0 ratsada si Amoroto para makuha ang panalo.

Bago makapasok sa finals, dumaan muna sa butas ng karayom sina Chua at Amoroto sa kani-kanyang semis matches.

Isang all-Filipino showdown ang nangyari sa semis.

Nanaig si Chua laban sa kababayang si Rommel Santos sa pamamagitan ng pukpukang 11-10 desisyon habang nanalo naman si Amoroto sa beteranong si Antonio Lining sa hiwalay na semis game sa bendisyon naman ng 11-9 panalo.

Target sana ni Chua na makuha ang ikatlong korona matapos pagharian ang All-Japan noong 2015 at 2017 edisyon.

AMOROTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with