^

PSN Palaro

Quiambao gigil na rumesbak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Quiambao gigil na rumesbak
Kevin Quiambao
STAR/File

MANILA, Philippines — Isa si Kevin Quiambao sa mga hinangaan sa laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup na ginaganap sa Jeddah, Saudi Arabia.

Malaki ang naitulong ni Quiambao partikular na sa playoffs game ng Gilas Pilipinas kung saan naitarak ng tropa ang 95-88 overtime win kontra sa host Saudi Arabia para makapasok sa quarterfinals.

Nagtala si Quiambao ng 17 puntos sa naturang laro.

Laban sa Australia, hindi rin nakitaan si Quiambao ng kaba nang magpasabog ito ng isa pang 17-point output kabilang ang limang three-pointers.

Kaya naman napansin ng husto ang husay at ga­ling ni Quiambao lalo na sa mga krusyal na laro.

Muling makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Australia sa qualifying round ng FIBA World Cup.

Kasama ng Pilipinas sa Group A ang Australia, New Zealand at Guam.

Magsisimula ang qualifiers sa Nobyembre ngunit makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Australia sa second window sa P­ebrero.

At desidido si Quiambao na makaresbak.

“Magpe-prepare kami for World Cup qualifiers sa November. Kailangan naming patunayan na kahit sino kaya namin. Pero kailangan ng matinding preparation and commitment para makuha yung ganun sitwasyon,” pahayag ni Quiambao.

Nagpasalamat si Quiambao sa oportunidad na maging bahagi ng Gilas Pilipinas at makasama ang mga teammates nito.

“Pangarap ko na talaga na makapaglaro at lumaban para sa bayan,” dagdag ni Quiambao.

Nagpasalamat din si Quiambao sa mga kababayan nito sa Saudi Arabia na nanggaling pa sa iba’t ibang panig ng bansa para manood at suportahan ang Gilas Pilipinas.

KEVIN QUIAMBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with