^

PSN Palaro

Letran vs CSB sa NCAA Finale

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Diretso ang Letran Lady Knights sa finals matapos nilang tuhugin sa limang sets ang Lyceum of the Philippines Lady Pirates, 25-15, 25-21, 19-25, 19-25, 15-11 sa pangalawang stepladder semifinals ng NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan kahapon.

Muntik pang malusaw ang naipundar ng Lady Knights na two sets edge matapos nilang makuha ang panalo sa set 1 at 2.

May tsansa sanang mawalis ng Lady Knights ang kanilang kapit-bahay sa Intramuros na LPU nang makalamang ng apat, 10-6 sa fourth frame pero hindi nila nakayanan ang enerhiya ng katunggali kaya naupos sila sa bandang huli.

Nakapagtala ng dalawang sunod na panalo ang LPU kaya nagkaroon ng deciding fifth set, mabuti na lamang at nagliyab ang opensa ng pambato ng Letran na si Marie Judiel Nitura kaya nairaos nila ang panalo.

Tumapos si Nitura ng 22 points mula sa 20 attacks at tig-isang block at service ace.

Makakalaban ng Letran sa best-of-three finals ang two-time defending champion College of Saint Benilde sa Linggo.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with