Reboton bumuhat ng 6 golds sa Hong Kong meet
MANILA, Philippines — Humakot si powerlifter Joyce Reboton ng anim na ginto at dalawang pilak na medalya sa Asian Pacific African Classic and Equipped Powerlifting Championships na ginanap sa Hong Kong.
Pinagreynahan ni Reboton ang women’s 84kg open category kung saan winalis nito ang anim na ginto sa naturang dibisyon.
Nasiguro ni Reboton ang ginto sa Squat nang bumuhat ito ng 197.5 kg kasunod ang pamamayagpag sa Bench Press tangan ang impresibong 105 kg.
Nanguna rin si Reboton sa Deadlift bunsod ng nabuhat nitong 190 kg bago makuha ang isa pang ginto sa Total matapos makalikom ng kabuuang 495 kg.
Sa -76kg open division, nakamit din ni Reboton ang gintong medalya sa dalawang events — Squat at Total.
“Brought home eight medals for my country (6 golds, 2 silvers) Champion in Classic PL 76kg Open and in Equipped 84kg Open. Thank you PAP for allowing me to represent the Philippines. Thank you to everyone who supported me in this journey, friends,” ani Reboton sa kanyang post sa social media.
- Latest