Marcial makikipagsuntukan kay Villalba sa Linggo
MANILA, Philippines — Magbabalik sa boxing ring si Olympic bronze medalist Eumir Marcial sa Linggo sa pagsagupa kay Ricardo Ruben Villalba ng Argentina sa isang six-round middleweight bout sa Alamodome sa San Antonio, USA.
Ito ang ikaapat na professional fight ng 27-anyos na si Marcial na nanggaling sa isang unanimous decision win laban kay Steven Pichardo noong Oktubre 8.
Ang upakan nina Marcial at Villalba (20-7-1-0, 8 KOs) ay nasa undercard ng O’Shaquie Foster-Rey Vargas fight card.
Sakaling manalo sa 33-anyos na si Villalba ay inaasahang makakakuha ng mabibigat na laban si Marcial para sa inaasam na world boxing crown.
Sa kanyang pro debut noong Disyembre 16, 2020 ay tinalo ni Marcial si Andrew Whitfield via unanimous decision bago itala ang isang knockout victory laban kay Isiah Hart noong Abril 9, 2022.
- Latest