^

PSN Palaro

Gomez kampeon sa One Pocket Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gomez kampeon sa One Pocket Open
Roberto Gomez
STAR/File

MANILA, Philippines — Patuloy ang pamama­yagpag ng Pinoy athlete sa international stage matapos magkampeon si veteran cue master Roberto Gomez sa 2021 International One Pocket Open sa Norfolk, Virginia.

Naitarak ni Gomez ang pukpukang 3-2 win laban kay Tony Chohan ng Amerika sa best-of-five championship showdown upang masikwat ang korona ng One Pocket event.

Maagang naglabas ng tikas si Chohan sa finals nang maitala nito ang matikas na 8-1 win sa Game 1 upang makuha ang 1-0 bentahe.

Rumesbask si Gomez sa Game 2 nang ma-dry  si Chohan sa break nito na agad namang sinamantala ng Pinoy player para irehistro ang 8-4 at mitabla sa 1-1 ang serye.

Muling umariba si Chohan sa Game 3 makaraang kunin nito ang 8-1 panalo para makalapit sa korona tangan ang 2-1 bentahe sa series.

Subalit hindi agad na­wa­lan ng pag-asa si Gomez na nakabangon mula sa 1-7 pagkakabaon sa Game 4 bago magtala ng 7-0 run para sa 8-1 panalo at maipuwersa ang deci­ding Game 5.

Sa rubber match, kontrolado na ni Gomez ang lahat tungo sa 8-2 panalo at matamis na kunin ang kampeonato.

Ito ang ikatlong korona ni Gomez sa taong ito. Una na ang 2021 Diamond Open 10-Ball Championship at 2021 Midwest Open One Pocket.

vuukle comment

ROBERTO GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with