^

PSN Palaro

Pinoy Spikers laglag sa battle-for-9th

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng men’s national volleyball team na magkaroon ng magandang pagtatapos ang kampanya nito sa Asian Men’s Club Volleyball Cham­pionship na ginaganap sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Makakasagupa ng Pinoy Spikers ang CEB-Sri Lanka sa alas-4:30 ng hapon sa classification round kung saan paglalabanan ang ninth place.

Nahulog sa classification round ang Pinoy squad matapos mabigong makapagtala ng panalo sa Pool B sa apat na pagsalang nito.

Sa kanilang huling laro sa group stage, lumasap ang Pilipinas ng dikdikang 34-36, 26-24, 28-26, 19-25, 12-15 kabiguan sa kamay ng Diamond Food-Thailand para mahulog sa 0-4 rekord.

Nanguna para sa Thai squad si Kantapat Koonmee na nagpasabog ng 36 points mula sa 32 attacks at blocks.

Bumida para sa Pinoy Spikers si University of Santo Tomas outside hitter Jao Umandal na nagtala ng 26 puntos samantalang may nakuhang 23 hits si Mark Alfafara.

Nag-ambag naman si team captain John Vic De Guzman ng 20 points.

vuukle comment

VOLLEYBAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with