^

PSN Palaro

Yanong ‘di nakaporma kay Gamez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigo si Pinoy boxing sen­sation Reymond Yanong na masundan ang kanyang impresibong pa­nalo dalawang linggo na ang nakalilipas matapos umani ng first-round knockout loss kay American fighter Genaro Gamez kahapon sa Las Vegas, Nevada.

Nagawang makorner ni Gamez si Yanong kung saan pinakawalan nito ang solidong suntok na tumama sa panga ng Pinoy champion.

Bagsak si Yanong na hindi na nakabalik pa sa porma matapos ang 10 segundong bilang ng referee dahilan upang tuluyang makuha ni Gamez ang panalo.

Laglag  si Yanong sa 11-6-1 rekord  habang uma­ngat sa 10-1-0 si Gamez.

Si Yanong ang ikalawang Pinoy na natalo sa Las Vegas.

Una nang yumuko si Mark Bernaldez kay undefeated American fighter Albert Bell noong nakaraang linggo sa MGM Grand Conference Center.

vuukle comment

YANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with