^

PSN Palaro

Mabuhay ka Casugay!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mabuhay ka Casugay!
Surfer Roger Casugay

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang ningning sa tagumpay ng Team Philippines sa 2019 Southeast Asian Games.

Nagawang mabawi ng pambansang delegasyon ang overall title tangan ang tumataginting na 149 gintong medalya.

Mas lalo pang kumislap ang tagumpay ng Pilipinas dahil sa kabayanihan ni surfer Roger Casugay para iangat ng husto sa buong mundo ang magandang kaugalian ng mga Pilipino.

Walang pakialam si Casugay kung hindi man ito manalo dahil ang tanging nasa isip nito ay masagip ang Indonesian rival na si Arip Nurhidiyat.

Kaya naman bumuhos ang papuri kay Casugay dahil sa kanyang kabayanihan.

Sa katunayan, mismong si Indonesian president Joko Widodo ang nagpasalamat kay Casugay sa magandang asal nito.

“To win a competition and uphold sportsmanship are important, but humanity is above all. My appreciation for Roger Casugay, a Filipino surfer who lost the chance to gain gold to save an Indonesian athlete from falling during the competition,” ani Widodo sa kanyang official Twitter account.

Matapos ang insidente, nagpatuloy ang laban ni Casugay.

At dahil sa kanyang kabutihan, biniyayaan din ito ng gintong medalya matapos pagharian ang men’s longboard open event.

Para kay Casugay, hindi nito maituturing na bayani ang kanyang sarili.

Mas lumutang lang aniya ang pagiging makatao sa halip na ipagpatuloy ang laban at makuha ang medalya sa naturang event.

“No I’m not a hero,” mapagkumbabang pahayag ni Casugay.

Maraming naganap sa buong panahon ng 2019 SEA Games.

Subalit tunay na tuma­tak sa isipan ng mundo ang pangalan ni Casugay kaakibat ang bandila ng Pilipinas na kailanman, hindi matutumbasan ang pagkatao ng anumang material na bagay sa mundo.

Mabuhay ka Casugay! 

vuukle comment

ROGER CASUGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with