^

PSN Palaro

Blue Eagles dinagit ang ika-2 dikit na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blue Eagles dinagit ang ika-2 dikit na panalo

MANILA, Philippines — Nalusutan ng Cignal-Ateneo de Manila University ang mainit na simula ng Family Mart-Enderun upang kunin ang 82-68 panalo kahapon sa 2019 PBA D-League sa Paco Arena sa Manila.

Matayog ang lipad ni Tyler Tio nang humataw  ng 20 puntos tampok ang 14 sa payoff period kung saan naglista ito ng impresibong 6-of-9 shooting clip sa three-point territory.

Nagtala rin si Tio ng limang assists at dalawang rebounds para sa Cignal-Ateneo.

Nagpasabog din si Ivorian center Ange Kouame ng 20 puntos, walong rebounds, limang blocks at dalawang assists habang nag-ambag si William Navarro ng siyam na puntos, 15 boards, tatlong assists, isang steal at isang block.

Ito ang ikalawang pa­nalo ng Blue Eagles para makuha ang solong pamumuno sa Aspirants Group.

Mula sa dikitang laro sa unang tatlong kanto, sumabog si Tio sa fourth quarter para hatakin ang Cignal-Ateneo sa 19 puntos na kalamangan, 79-60.

Mula rito ay hindi na lu­mingon pa ang Blue Eagles para sa panalo.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE

CIGNAL-ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with