^

PSN Palaro

Lady Altas vs Lady Chiefs sa ncaa crown ,rubber match!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas vs Lady Chiefs sa ncaa crown ,rubber match!
Pilit ni Chin Chin Gual (9) ng Perpetual Lady Altas na blangkahin ang atake ni Princess Bello (3) ng nagdedepensang Arellano Lady Chiefs sa Game Two ng NCAA Season 94 women’s Finals.

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng University of Perpetual Help System Dalta at Arellano University ang kampeonato sa pagsambulat ng Game 3 ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament best-of-three championship series ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling magkukrus ang landas ng Lady Altas at Lady Chiefs sa alas-4 ng hapon.

Sa ikalawa at huling pagkakataon, susubukan ng Perpetual Help na makumpleto ang triple crown.

Naharang ang tangka ng Perpetual Help na mawalis ang lahat ng korona matapos kubrahin ng Arellano ang 23-25, 25-9, 25-18, 22-25, 15-12 pahira­pang panalo sa Game 2 noong Biyernes.

Nauna nang nasungkit ng Perpetual Help ang korona sa men’s division at juniors class.

Kaya naman inaasa­hang ibubuhos na ng Lady Altas ang lahat upang mapasama ang kanilang paaralan sa kasaysayan ng liga bilang ikatlong nakagawa ng triple kill sa volleyball tournament.

“We’re looking at history unfolding and it’s really up to us to complete it,” ani Perpetual  Help head coach Macky  Cariño.

Nagawa na ito ng da­ting NCAA member Ateneo de Manila University noong 1984 at ng San Sebastian College-Recoletos noong 1984, 1993, 1994, 1995, 1996 at 2002. Nais din ng Lady Altas na tuldukan ang limang ta­ong pagkauhaw nito sa titulo.

Subalit handa ang Lady Chiefs na gawin ang lahat upang muling pigilan ang tangka ng Lady Altas.

Bitbit din ng Arellano ang sariling misyon na makumpleto ang three-peat.

 Kailangan ng Arellano na pigilan ang top scorer ng Perpetual Help na si Cindy Imbo--ang lider ng tinagu­riang comeback queen.

Sa kabila ng matinding depensa sa kanya, nagawa pa rin ni Imbo na makalikom ng 18 markers subalit bigo itong makakuha ng solidong suporta mula sa iba pang miyembro ng tropa.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with