Kane binitbit ang England sa Last 16
NIZHNY NOVGOROD, Russia -- Kumonekta si Harry Kane ng isang hat-trick para tulungan ang England na talunin ang Panama sa pamamagitan ng record na 6-1 panalo papasok sa Last 16.
Ito ang kauna-unahang pinakamalaking panalo ng England sa World Cup na nagtampok sa dalawang penalty kick ni Kane na nag-akay din sa England sa Last 16.
“It’s amazing, I’m extremely proud. We had fun out there,” wika ng kasalukuyang tournament top scorer na si Kane na tinawag ang kanyang ikatlong goal na “one of the luckiest goals of my life.”
Magtutuos ang England at Belgium sa Biyernes (Manila time) para madetermina kung sino ang magiging No. 1 team sa Group G.
Ang England at Belgium ay tabla sa points, goal difference at goals scored.
Isinara ng England, ginagabayan ni coach Gareth Southgate, ang first half bitbit ang 5-0 kalamangan.
Ibinigay ni Kane sa England ang 2-0 abante kasunod ang mga goals nina Jesse Lingard at defender John Stones para ibaon ang Panama sa 4-0.
Ang penalty kick ni Kane ang nagsara sa halftime sa 5-0.
- Latest