^

PSN Palaro

SMB-Alab Pilipinas pupuwesto na sa Finals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos magwagi sa Game 1, target ngayon ng San Miguel-Alab Pilipinas na walisin ang best-of-three semifinal series sa mu­ling pagtatagpo nila ng Hong Kong Eastern Lions sa Game 2 ng ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Nais ng tropa ni coach Jimmy Alapag na higitan ang kanilang semifinals fi­nish kaya’t asahan na matinding depensa ang ila­labas ng Pinoy squads para tuluyan nang wakasan ang pag-asa ng Hong Kong at ibulsa ang unang puwesto sa finals.

Isa rin sa gagawing motibasyon ng Alab Pilipinas ang malaking suporta ng mga fans sa kanilang engkuwentro ng Hong Kong sa alas-8 ng gabi.

 Ang mananalo sa Alab Pilipinas-Hong Kong Eas­tern semis ang haharap naman sa magwawagi sa top seed Chong Son Kungfu China at No. 4 Mono Vampire Thailand kung saan lamang din ang mga Thais matapos manalo,103-94 sa Game 1  noong Miyerkules sa Nanhai, China.

“They have no choice now but to win Game 2. But, we beaten them once and we will do it again,” sabi ni ABL local MVP Bobby Ray Parks Jr.

Sa pangunguna nina Renaldo Balkman at Justin Brownlee naka-eskapo ang Filipino team sa apat na krusyal free throws upang pataubin ang nag-depensang Eastern Lions, 98-94 at pangunahan ang serye, 1-0 sa homecourt ng Hong Kong noong Miyerkules.

Ang naturang panalo ang pambawi ng Pinoy squads mula sa kanilang nalasap na dalawang kabiguan sa Hong Kong sa elimination round.

 Ang Fil-German na si Christian Standhardinger na maglalaro na sa San Miguel Beermen sa 2018 Commissioner’s Cup, ay inaasahan din na tutulong sa Hong Kong makaraang tumapos ng 18 puntos at 15 rebounds sa huling laro.

Itatapat din ni Alapag sina Balkman na umiskor ng 46 puntos, ang pinakamataas sa playoff history ng liga at Brownlee na gumawa ng 16 puntos at 12 rebounds noong Miyerkules.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

SMB-ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with