^

PSN Palaro

Sweep sa NU volley teams

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sweep sa NU volley teams
Nasa larawan ang koponan ng National University Lady Bullpups na nagkampeon sa UAAP Season 79 high school volleyball tournament.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Pinasadsad ng National University ang University of Santo Tomas sa girls at boys upang makumpleto ang matamis na sweep sa UAAP Season 79 high school volleyball tournament kahapon sa Adamson University gym.

Hindi ininda ni Joyme Cagande ang kanyang shoulder injury upang tulu­ngan ang Bullpups na sakmalin ang Junior Tigresses, 25-22, 25-23, 15-25, 25-20, tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Magagandang plays ang ibinigay ng reigning Best Setter na si Cagande upang magtarak ng malulutong na atake sina tournament MVP Faith Nisperos, middle hitter Thea Gagate at Princess Ann Robles para makuha ang panalo.

“Importante sa akin ang championship. Kung ano ang nararamdaman ko, laban lang. Gusto namin ma-inspire ang mga tao,” ani ng 17-anyos na si Cagande,  na Grade 11 student.

Sa katunayan, ginamit ni NU coach Babes Castillo si second setter Camille Lamina sa unang dalawang sets. Ngunit napilitan itong ipasok si Cagande nang makuha ng UST ang third set.

Hindi naman binigo ni Cagande ang kanyang tropa nang mapatatag nito ang opensa ng Lady Bullpups sa pangunguna ni Nisperos para tuluyang angkinin ang panalo.

Itinanghal na Finals MVP si Robles.

Sa boys, sumandal ang NU kay Finals MVP  Billie Jean Anima upang walisin ng Bullpups ang UST, 25-15, 25-18, 25-19.

Ito ang ikalawang sunod na korona ng NU.

 

vuukle comment

JOYME CAGANDE

UAAP SEASON 79 VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with