^

PSN Palaro

Caida naisahan ang Wangs, nagsolo sa itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalusutan ng Caida Tile ang Wangs Basketball sa pamamagitan ng 110-106 panalo upang masolo ang liderato sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Caida kung saan bumida si Jiovani Jalalon na may 22 puntos, siyam na assists, apat na rebounds at dalawang steals at Jason Perkins na kumamada ng 19 puntos at 14 boards.

“I just told them to play our game and keep running. Luckily, we were able to hit the big shots in the end. The thing with close games like this is we got to learn from it, experience it, and be better the next time,” wika ni Caida coach Caloy Garcia.

Naramdaman din ang puwersa ni Jonathan Grey na may 170 at nina Chris Javier at Billy Robles na may tig-10.

Lumasap ng ikalawang kabiguan ang Wangs sa kanilang tatlong laro.

Sa unang laro, buma­ngon ang Phoenix-Far Eastern University mula sa 22 puntos na pagkakabaon upang itakas ang 114-102 panalo laban sa Ama University.

Nagtala ng impresibong triple-double na 28 puntos, 10 rebounds at 10 assists si Mike Tolomia tampok ang 16 puntos sa third quarter para pamunuan ang Accelerators sa panalo.

Laglag sa 0-2 ang AMA na kumuha ng 29 puntos kay Jerramy King.

 

vuukle comment

AMA UNIVERSITY

ANG

BILLY ROBLES

CAIDA

CAIDA TILE

CALOY GARCIA

CHRIS JAVIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

JASON PERKINS

JERRAMY KING

JIOVANI JALALON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with