^

PSN Palaro

Khan umaasa pa ring maikakasa kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kamakailan ay pinabulaanan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang mga akusasyon ni Amir Khan na ibinibitin nila ang British star para sa laban kay Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Sinabi ni Arum na hindi alam ni Khan ang nangya­yaring negosasyon para sa pinaplantsang banggaan nila ni Pacquiao.

Ayon kay Khan, pagod na siyang maghintay sa malalaking laban kagaya nang nangyari sa nabigong pakikipagharap niya kay Floyd Mayweather Jr.

“It’s a good fight for me and I know it’s a big fight. Fight fans want the fight. But it seems to me that (I’m) waiting around and I don’t want to be in the same position as I was against Floyd Mayweather,” sabi ni Khan sa panayam ng Bo­xing News.

Napaulat noong naka­raang linggo ang pagbitaw ni Khan, dating lightweight at junior welterweight titlist, sa negosasyon sa kampo ni Pacquiao.

Kung hindi ito matuloy ay may opsyon nang tini­tingnan si Khan.

“I’d been promised the fight, then it didn’t happen,” ani Khan.

Plano ni Pacquiao na muling lumaban sa susunod na taon bago ang May elections kung saan target niyang makapitas ng isang posisyon sa Senate.

Bukod kay Khan, ang iba pang maaaring labanan ni 'Pacman' ay sina Kell Brook, Timothy Bradley, Terrence Crawford at Juan Manuel Marquez.

Ang opsyon naman ni Khan ay ang mga tumalo sa kanyang sina Danny Garcia at Lamont Peterson.

vuukle comment

ACIRC

AMIR KHAN

ANG

BOB ARUM

DANNY GARCIA

FLOYD MAYWEATHER

FLOYD MAYWEATHER JR.

JUAN MANUEL MARQUEZ

KELL BROOK

KHAN

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with