^

PSN Palaro

BikeKing Duathlon lalarga ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magtatagpo uli ang mga mahuhusay na duathle­tes sa paglarga nga­yong umaga ng Bike­King D­uathlon sa Sandbox,  Alviera, Porac, Pampanga.

Tampok na aksyon ay ang 6-k run, 60-k bike, 4-k run at may tagisan sa mga elite sa pangunguna ng national duathlete na si Robeno Javier.

Walong male elite ang kasali at sisikapin  ni Javier na maipakita ang dating matikas na kondisyon para makabawi sa pagkawala ng titulo sa National Duathlon Championship sa Cebu kamakailan.

Ang mga makakaharap ni Javier ay sina Robinson Esteves, Jeff Valdez, Dante Cagas, Joey Delos Reyes, Cipriane John Topia, Joseph Lingad at Flresco Adaoag.

Nasa P10,000.00 ang premyong mapapasakamay ng tatanghaling kampeon sa kategorya.

May iba’t-ibang age categories din ang paglalabanan bukod pa sa karera sa sprint distance na 3-k run, 30-k bike, 3-k run at ang mga mangunguna ay tatangap ng medalya.

Kakaibang karanasan ang makukuha ng mga sasali dahil gagamitin ang SCTEX mula Porac patu­ngong Floridablanca at pabalik. Bagamat patag ito, may ilang parte rito ang paahon na susukat sa lakas sa pagpadyak ng mga duathletes. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

CIPRIANE JOHN TOPIA

DANTE CAGAS

FLRESCO ADAOAG

JAVIER

JEFF VALDEZ

JOEY DELOS REYES

JOSEPH LINGAD

KING D

NATIONAL DUATHLON CHAMPIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with