^

PSN Palaro

Gilas determinadong masikwat ang tiket sa Rio Games

NBeltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapanayam ng Cebuano sportswriters ang Gilas Pilipinas kahapon at sinabing lahat sila ay determinadong makuha ang Olympic berth ng 2016 Rio de Janeiro.

“Every single person’s goal is Rio. It’s not about going there to play well. It’s going there to bring home the hardware,” wika ni Gilas coach Tab Baldwin.

Maliban kina Andray Blatche at Sonny Thoss, du­malo ang Nationals sa press conference sa pagitan ng kanilang dalawang practice sessions sa Hoops Dome sa Lapulapu City.

Nag-eensayo ang Gilas sa Cebu para mailayo sa kanilang mga pamilya at matutukan ang huling linggo ng paghahanda para sa FIBA Asia Championship sa Changsha, China na nakatakda sa Sept. 23-Oct. 3.

Pansamantalang naninirahan ang Nationals sa Crown Regency Suites and Residences na limang minuto ang layo sa Hoops Dome.

Sa kanilang ikatlong araw ay sasailalim ang Gilas sa weight training ngayong umaga sa Plantation Bay bago bumalik sa Hoops Dome para sa kanilang evening practice.

Kahapon ay dalawang beses naantala ang kanilang morning practice bunga ng pagkakalaglag ng ring dahil sa dakdak nina Blatche at Calvin Abueva.

Kasalukuyan pang nagpapapayat si Blatche para sa Asian joust.

Apat pang ensayo ang gagawin ng Nationals bago magtungo sa Changsha sa Lunes.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

CALVIN ABUEVA

CHANGSHA

CROWN REGENCY SUITES AND RESIDENCES

GILAS PILIPINAS

HOOPS DOME

LAPULAPU CITY

PLANTATION BAY

SONNY THOSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with