^

PSN Palaro

Lions, Knights magpapasolido pa

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

10 a.m.  St. Benilde vs Letran (Jrs)

12 nn  Perpetual Help vs San Beda (Jrs)

2 p.m.  St. Benilde vs Letran (Srs)

4 p.m.  Perpetual vs San Beda (Srs)

MANILA, Philippines – Lalapit pa ang San Beda Red Lions at Letran Knights sa inaasam na puwesto sa semifinals sa pagsalang sa magkahiwalay na laro sa 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Parehong may 10-2 ba­raha ang Lions at Knights at kung magwagi pa ay lalayo pa sila sa iba pang naghahabol sa unang dalawang puwesto.

Unang sasalang ang Knights laban sa St. Benilde Blazers sa ganap na alas-2 ng hapon bago magtuos uli ang 5-time defending champion Red Lions at Perpetual Help Altas dakong alas-4.

Ang Altas ay nasa ika­apat na puwesto sa 8-4 baraha at gagawin nila ang lahat para hindi mawala sa unang apat na puwesto na aabante sa Final Four.

Patuloy ang  magandang ipinakikita ni Arthur dela Cruz para sa San Beda at sa huling panalo laban sa Jose Rizal University Heavy Bombers ay nagtala siya ng 26 puntos, 15 rebounds at 10 rebounds tungo sa 83-75 panalo.

Sa kabilang banda, ang Altas ay natalo sa Arellano Chiefs sa huling asignatura, 77-84, dahil hindi naglaro si Bright Akhuetie bunga ng shoulder injury. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG ALTAS

ARELLANO CHIEFS

BRIGHT AKHUETIE

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with