^

PSN Palaro

Ducay sumungkit ng silver medal

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbunga ang paghihirap ni Sixto Ducay nang pangunahan niya ang Pilipinas sa dalawang pilak at  isang tansong medalya sa idinaos na ASTC Para­Triathlon Championships 2015 kahapon sa Sands of Triboa sa Subic Bay Free­port.

Ang 47-anyos na si Du­cay na may diperensya sa kaliwang braso ay bu­ma­­ngon mula sa mala­yong pang­-limang puwesto sa swim leg sa mainit na pag­pa­pakita sa bike at run at ma­kuha ang silver medal sa PT4.

Anim na kategorya ang pinaglabanan sa distan­syang 750m swim, 18k bike at 5k run at si Ducay ay naorasan ng 1:17:30.

Si Keiichi Sato ng Japan ang nanalo sa kanyang oras na 1:07:20 na siyang pinakamabilis sa lahat.

Si Seo Jeong Guk na national champion ng Korea ang pumangatlo sa kanyang 1:20:25 bilis.

Tinalo ni Andy Avellana ang kababayang si Arnel Aba para sa pilak sa PT2 sa 1:51:00 laban sa 1:56:51 ng huli upang malagay sa pa­ngalawang puwesto sa pitong bansang naglaban.

May mga qualifying points na nakuha ang top three na magagamit nila para ma­kasali sa 2016 Rio Paralympics.

vuukle comment

ACIRC

ANDY AVELLANA

ANG

ARNEL ABA

RIO PARALYMPICS

SANDS OF TRIBOA

SHY

SI KEIICHI SATO

SI SEO JEONG GUK

SIXTO DUCAY

SUBIC BAY FREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with